Agad naman akong napaatras palayo kay Adam. Nakapaskil ang nakakabinging ngisi sa labi niya habang titig na titig sa akin, halatang tinatamaan na ng alak dahil sa mamula-mula niyang tenga at pisngi. Ngunit sa kabila no'n, mas lalo lamang lumilitaw ang nakakabaliw niyang kagwapuhan.
His brown eyes looked heavy and intoxicated with sleep and alcohol, yet they still fought desperately just to stay locked with mine as if ako lang ang gusto niyang makita sa gabing iyon.
Napabaling ako sa likuran ni Adam nang makarinig ako ng pamilyar na gigil. Nakatitig doon si Learsi sa amin ni Adam, wari bang may nahuli siyang kasalanan. Halos natatakpan ng malapad na balikat ni Adam ang kabuuan ng maliit na katawan ni Learsi, kaya lalo siyang mukhang galit na kuting mula sa pwesto ko.
"Tingin mo? Bagay ba, babe?" lasing na tanong ni Learsi sa nobyo niyang si Jay, na ngayo'y nakatitig na rin sa amin nang may halong pagdududa.
Para silang mga imbestigador na may binubuking na krimen. Kung makatitig sila sa amin ni Adam, akala mo'y may ilegal kaming ginagawa sa sulok na iyon. Napabuntong-hininga ako bago muling humarap kay Adam.
"Kasama ba ni Monday si Emphraim?" tanong ko.
Marahan siyang umiling bilang sagot. Napahinga naman ako nang malalim. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay kina Monday at Emphraim.
Bigla naman akong natigilan nang yumuko si Adam upang ilapit ang mukha niya sa akin. Bumungad agad sa akin ang matapang ngunit nakakahumaling niyang pabango na may halong amoy ng alak na iniinom niya. Nakakahilo. Nakakalunod.
"Are you mad?" mahina ngunit malalim niyang tanong.
Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay ko.
"Hindi. Bakit naman ako magagalit?"
"You tell me why. You've been avoiding me, too, and I'm dying to know the reason."
"Hindi ako galit at hindi kita iniiwasan."
"Then why aren't you with your friends?"
"Busy ako."
"Can I help, then?"
"Natapos ko na."
"Can we go out tomorrow?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Agad akong umiwas ng tingin na parang nahuling may tinatagong kahinaan.
His gaze was dangerously melting me alive. He looked like he genuinely wanted to stay beside me, and that thought alone was enough to throw my heart into chaos.
What exactly was going on between him and Leona?
"Ah... busy pala ako bukas."
"I'll help—"
"Pasok ka na, Learsi," bigla kong singit bago pa siya makadagdag.
Agad akong umiwas ng tingin kay Adam. Bakit ba parang hindi ko siya kayang tingnan nang matagal ngayon?
Narinig ko ang mababa niyang tawa at ang mapanuksong pag-hum niya na tila ba aliw na aliw siya sa pag-iwas ko.
Napalingon naman ako kay Learsi na ngayo'y nakaturo pa sa sarili niya, tila hindi makapaniwalang siya ang kinakausap ko.
Wala akong emosyong tumingin sa kanya. Napatingin naman siya kay Jay na agad na tumango bilang pahintulot. Grabe, sobrang bagay talaga nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Mystery / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
