Kinabukasan, pumunta ako sa city para mag-book ng flight. Hindi tumigil si Helena sa kakatanong kung bakit kailangan kong umalis ng bansa. Sinabi ko sa kanya na babalik ako once matapos ko ang business ko sa Philippines.
Mabilis lumipas ang mga araw hanggang sa dumating na ang schedule ng flight ko. I was nervous and happy at the same time.
Hindi naman ganoon kahaba ang tatlong taon na hindi pag-uwi. Kaninang madaling-araw pa ako nasa eroplano. Walang nakakaalam na uuwi ako. I was taking a public flight.
Masakit na ang likod ko sa kakasandal sa upuan, Parang hindi ako mapakali kanina.
I was wearing a white floral dress that was above the knee. Ang mahaba kong buhok ay hinayaan ko lang na nakalugay sa likod ko. Ang ideya iyon ni Helena. Hindi naman ako tumanggi dahil sobrang aga niya gumising para tulungan akong maghanda.
"Welcome to the Philippines..."
Pagkababa ko ng eroplano, naamoy ko agad ang sariwang hangin. The smell of the Philippines gave me positive, energetic vibes. May ngumiti sa akin, kaya nginitian ko rin siya. Namula siya at umiwas, na ikinataka ko.
Pumunta ako sa restroom pagkatapos kong kunin ang mga gamit ko. I felt like I was going to puke. Nakalimutan ko na magkaiba pala ang klima ng Pilipinas at Switzerland.
When I felt a bit okay, I retouched myself. Inayos ko muna ang buhok ko bago lumabas ng restroom.
Sumakay agad ako ng taxi. I liked the driver's vibe; may pinapatugtog siya sa mini radio niya—Party in the U.S.A. by Miley Cyrus. Parang napa-vibe tuloy ako.
Nag-shopping ako bago nag-check-in sa hotel. Thank God, naalala ko pa ang modern world. Muntik ko na kasing makalimutan kung paano gumamit ng mga gadgets. Ang tagal ko na ring hindi gumagamit.
Big cities and new technologies feel new to me, especially for someone like me who lived in a province surrounded by nature.
In rural places, minsan lang talaga ako makakakita ng cellphone. Mostly TV lang. Pero hindi rin iyon madalas gamitin dahil mas involved ang mga tao sa physical activities. Imbes na manood ng TV, naglalaro lang kami sa labas.
Matapos ang lahat ng ginawa ko, nagpahinga ako sa kama. Gabi na nang matapos ako sa mga kailangan ko.
Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip kung ano ang gagawin ko mamaya. Naalala ko na may binili pala akong cellphone kanina.
Kinuha ko iyon sa bag at umupo ulit sa kama.
Nag-install ako ng social media apps tulad ng Instagram, Facebook, at Messenger. Baka sakaling may makontak ako. I don't remember Gazvin's phone number.
Nag-log in ako sa Facebook account ko. Ilang taon ko na rin itong hindi nabubuksan. Kahit tignan man lang ang buhay ng mga taong nakilala ko dati, hindi ko rin nagawa noon i-activate ulit ang account ko.
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Mystery / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
