"Brinato!" Narinig ko ang galit na sigaw ni Mama.
Ngayon ko lamang narinig na sumigaw siya nang ganoon. Naroon ang matinding galit, takot, at poot sa kanyang boses. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan.
Nakatulala lamang akong nakatingin kay Kuya Leonard na ngayon ay hinihila na ng mga tauhan na para bang isa lamang siyang sako na basta na lang kinakaladkad sa lupa.
My brain was screaming. Pakiramdam ko ay gusto kong sumigaw, magwala, at pigilan ang lahat ng nangyayari. Ngunit ang tanging nagawa ko lamang ay umiyak.
"Oh my, my dear daughter is here. And what the hell did you just call me, woman? Ganyan ba ang mga natutuhan mo nang sumama ka sa lalaking iyan?!"
Nawala na ang ibang mga lalaki. Tatlo na lamang ang natitirang kasama ng matandang sumisigaw.
Pinagmasdan ko nang mabuti ang kanyang mukha. May pagkakahawig siya kay Mama. His features carried the same aura as mine. Maging ang istriktong anyo ng kanyang mukha ay tila kahawig ko rin.
Galit na galit siyang nakaturo kay Papa. Kitang-kita ko ang matinding poot at galit na nag-aalab sa kanyang mga mata kahit medyo malayo siya sa amin.
Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon, ngunit hindi ko lamang matandaan kung saan. At kung tama ang pagkakaintindi ko sa mga narinig ko...Anak niya si Mama.
Bigla kong naalala. Siya ang taong tinutukoy ni Papa. Ang masamang tao. Ang kinatatakutan nila.
Gusto kong magwala dahil sa katotohanang may isang napakasamang tao pala sa sarili naming pamilya. Mas lalo pang umigting ang kaba sa dibdib ko nang magsimula siyang lumapit sa amin. Napakasungit ng kanyang mukha habang nakatitig sa aming tatlo.
"Papa!"
Napahiyaw ako nang bigla niyang sinuntok si Papa. Pililit kong nilapitan si Papa ngunit agad akong pinigilan ni Mama.
Nagpupumiglas ako, dahilan upang lalo niyang higpitan ang pagkakahawak sa aking braso. Paulit-ulit akong sumisigaw sa ngalan ni Papa habang muli siyang sinusuntok ng matanda.
Nahihirapan si Mama na pigilan ako, kaya sa huli ay nakawala rin ako sa kanyang pagkakahawak. Nanghihina at umiiyak akong tumakbo papunta sa direksiyon ni Papa,, ngunit agad niya akong pinigilan.
"A-anak... huwag kang lalapit."
Nakita kong natigilan ang matanda sa sinabi ni Papa. May isininyas siya sa kanyang mga tauhan at agad naman siyang binigyan ng isang malinis na panyo. Dahan-dahan niyang pinunasan ang kamay niyang nabahiran ng dugo.
"Anak?"
Napalingon siya sa akin. Nakangiti siyang nakatitig sa akin.
Guni-guni ko lamang ba iyon? O talagang may bahid ng kalungkutan sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya ako?
BINABASA MO ANG
Against My Will (Naga Series #1)
Mystery / ThrillerLaurence Adam Hart is a popular Marine Engineering student at Cebu Institute of Technology - University. He is a leader, strict, smart, and good at handling problems. Many girls admire him, but there is only one girl who truly catches his heart, Zen...
