PROLOGUE

6.4K 150 7
                                    


"Salot. Ampon. Walang magulang. Itinapon sa basurahan at pinulot din ng mga basura."

Umaalingawngaw sa aking isipan ang mga salitang ito. Mapanakit pero nasanay na ako. Ngunit sa bawat sugat ay nag-iiwan ito ng marka at hanggang ngayon ay may bakas pa rin ito sa aking damdamin at isipan.

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang kabataan? Napatingin ako sa paligid. Ang lahat ay nagkakasayahan. All throughout my life, I have been living by the book and according to what the rules dictate me to do.

Being an adoptive son of people who work in the field of law, pakiramdam ko I should be prim and proper. My two dads, Mama Xean and Daddy Marky, they are an odd couple at hindi lahat ng tao ay tanggap sila. Wherever I go, nabu-bully ako dahil wala raw akong ina at hindi matino ang paligid na aking kinalakhan.

And that was the turning point where I decided na... I want to become a legislator. I dream of a community where they're accepted. Sabi nga nila, the best way to be one is to become one. Simula High School, I started to run as a school official hanggang sa unti-unting tumaas ang aking tinatakbuhang posisyon sa student body.

Nang makarating ako sa aking pangatlong taon sa Montecillo University ay naglakas-loob akong tumakbo bilang Supreme Student Government President. Ngumiti naman sa akin ang langit kaya naman nanalo ako. My first half of being the SSG President is over now.

Noong una ay maayos naman ang lahat. I thought I could enhance myself as a leader when I volunteered as the dorm leader.

I started to doubt myself as soon as a couple of students started to gang up on me. The things they fervently oppose to are not my own laws. They are written in the School Code. Bilang Presidente ng Supreme Student Government, sumusunod lang ako sa kung anong naayon.

I still dream of creating a healthy environment for everyone, lalo na sa mga taong nag-alaga sa akin at kinikilala kong mga magulang. I just want them to be proud with me and prove people na kahit na iba ang pamilyang pinanggalingan ko, I can still manage to become successful. And through that, inaasahan ko na kahit paano ay mas makita nila na mabuti akong tao dahil mabuting tao ang nag-aruga sa akin.

But it seems like I'm falling... becoming a failure. How can I be a good leader in the future kung sa ngayon ay... hindi ko kayang kontrolin ang mga simpleng bagay tulad ng pagiging dorm leader.

"Xian," ang pagtawag ng isang tinig kaya naman napalingon ako, ang Vice-President. Tinatawag na ako upang magbigay ng isang mensahe. Rinig ng lahat ang pag-akyat ko sa stage hanggang sa pagpunta ko sa lectern. Napatingin naman ako sa paligid. Hindi ko sila makita dahil nakatapat na sa aking mukha ang spotlight.

Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ko itapat ang aking mukha sa mikropono. "Good afternoon, leaders. Salamat sa pagdalo ngayong High Leaders Meeting ng ating pinakamamahal na Montecillo University. I know some rumours are spreading around about my leadership as to both being the SSG President and the Dorm Leader. All I can say is... I apologize for my incompetence."

Napuno ang atrium ng mga bulungan dala ng aking sinabi. I'm not owning any blame but it's what's I'm feeling. "It's been a nice experience being the SSG President of Montecillo University. I, Xian Marceau O. Mendoza, is officially stepping down as the President of the Supreme Student Government."

Ang mga bulungan ay mas lalong naging malakas. Ring ko rin ang pagsinghap ng ilan. Tumingin ako sa ibang miyembro ng Supreme Student Government at nginitian sila.

"Xian! Anong ginagawa mo?" ang protesta nila. Napailing naman ako bago bumaba ng stage at naglakad palabas ng atrium. Sa pagbukas ko ng double door ay natigilan naman ako sa aking nakita.

Nakahilera ang ilang estudyante at nakatingin sa akin. Kilalang-kilala ko sila. Kilalang-kilala.    

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon