Chapter 7

1K 58 6
                                    

Xian's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xian's POV

Kinabukasan...

Pagkatapos kong mahanap ang librong kailangan ko ay chineck out ko 'yun for further reading. Tumawid ako at pumunta sa mini park sa tapat ng library. Everything seems peaceful. Maganda rin ang sikat ng araw. Napatingin ako sa paligid. Kaagad ko namang napansin sila Ariston, Eli and Beau. Agaw eksena nanaman sila as always. They're in a bench, doing something I am not interested about. Pumunta naman ako sa pinakamalapit na outddor table. Inilapag ko ang bag ko sa aking tabi at kaagad na linabas ang MacBook ko at ang librong hiniram ko sa library. I started to read when someone sat beside me. Kaagad naman akong napatingin.

"Pierre, ikaw lang pala. You startled me," ang komento ko nang makita siya. Kaagad naman niya akong inakbayan.

"Nag-aaral ka na naman," ang wika niya. "Wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang mag-aral?"

"Iniintindi ko lang itong lessons para mas madali akong makasabay sa lectures. Wala ka bang babaeng bobolahin at ako ang inaabala mo?"

"Don't worry," ang tugon niya. "Kapag naubos na ang mga babae rito sa Montecillo, ikaw na ang isusunod ko," ang tukso niya pa.

"Very funny," ang sarkastiko ko namang reaksyon.

"Pierre!" ang pagtawag ng isang boses. Napalingon naman kami. Si Jan Franzen, kaibigan ni Pierre. Madalas ko rin naman siyang nakaka-usap. "Hi, Xian!" ang maligalig naman niyang pagbati sa akin. Nginitian ko naman siya. Naupo naman siya sa bangko sa kabilang dulo ng mesa. Kaagad naman siyang naglabas ng mga pagkain. "Xian, sayo na 'to."

"Hey, kabibigay ko lang ng mga 'yan sa'yo," ang singit naman ni Pierre.

"Marami pang natira sa ibinigay mo sa akin. Isa pa, binigay mo na sa akin kaya huwag kang paladesisyon!"

"Sa bagay, it's Xian after all."

"Kung magiging rason lang 'yan para magkaroon ng issue sa pagitan niyo, hindi ko tatanggapin," ang wika ko bago muling ibinaling ang tingin sa aking libro."

"Geez, I'm just kidding," ang depensa naman ni Pierre. "Loosen up a bit, will you?"

"Anyway, thanks," ang pasasalamat ko bago kinuha ang inumin. "It's a bit hot."

"I heard you're going to run as President again," ang saad ni Pierre.

"It's true," ang tugon ko. "And I'm looking for running mates."

"Interested si J4F," ang saad naman niya.

"Talaga?" ang tanong ko sabay tingin kay Janzen. I'm also eyeing him sa party list ko. I already conducted some research about him but I guess I still need to confirm. "Hmm, may history ka ba ng pagiging isang leader?" ang tanong ko.

"Well, wala pa," ang tugon ni Janzen. "But I can be guided and trained. Lalo na kung ang isang Xian Marceau Mendoza ang magiging president."

Napakunot naman ako ng noo at napatitig sa kanya. "How abaout any organizations?"

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon