Xian's POV
"Prezylabs," ang pagtawag ni Zeus nang makita ako. Kasama niya sila Yuki, Joachim at iba pang dating miyembro ng Sigma Omega Pi.
"A-anong ginagawa mo rito?" ang nagtataka kong tanong.
"Nakita ko si Daddy Marky," ang paliwanag niya. "He told me you're here."
"Zeus, gusto ko munang mapag-isa," pakiusap ko bago nagsimulang maglakad.
"Prez!" ang pagtawag ni Deyanne. Natigilan naman ako at tumingin. Sumunod ang SSG palabas ng atrium. "Is that your final answer? Deal or no deal?!" Ginaya niya pa si Kris Aquino.
"What's happening?"
"Ang lolo mo, kalerkey!" ang saad ni Deyanne. "Nag-announce na magre-resign as SSG President!"
"You did what?!" ang gulat namang reaksyon ni Zeus.
"Bebe Z, kausapin mo nga," ang wika ni Deyanne.
"Bago ako umalis; paglilinisin muna kita ng storage room."
"Prez!" atungal niya.
"I'm serious. Kailangan kong i-sort out ang lahat bago ipasa kay Xander ang posisyon."
"Who said papayag ako?" ang reaksyon naman ni Xander.
"You know you don't have a choice," ang tugon ko. "Now, if you could excuse me. Aayusin ko pa ang resignation letter ko," paalam ko bago tuluyang umalis.
"Prez!"
"Hayaan na muna natin siya," ang rinig kong pagpigil ni Zeus sa kanila. Sumakay naman ako ng bus at bumalik sa dorm. Wala na nga si Dad doon. Nagtungo naman ako sa study area ko at bnuklat ang aking laptop. I started to write my resignation letter. I was distracted nang sunod-sunod ng pasok ng notification sa phone ko. I guess kumalat na nga ang balita tungkol sa pagbibitiw ko. Natigilan naman ako nang may kumatok. Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Prezylabs, can we talk?" ang tanong ni Zeus. Napabuntong-hininga naman ako at tumango. Pinapasok ko siya sa silid ko. Kapwa kami naupo sa gilid ng kama. "Puwede mo bang sabihin sa akin kung bakit ka nagdesisyon na umalis ng SSG?"
"I'm incompetent," ang tugon ko. "Nabuwag ko nga ang Sigma Omega Pi pero anong naging kapalit? Nadamay sila Phyrrus at Pierre dahil sa akin. My reputation has already been tarnished. Wala na akong mukhang mahihaharap sa kapwa natin Montecillians."
"Alam mong hindi 'yan totoo."
Napailing naman ako. "Alam nating lahat ng sinabi ko... are facts. Zeus, can I ask favor?"
"Anything."
"Can you give me some space?"
"Wait, cool off?"
"Hindi. Hindi. I just want to spend some time to think."
"Well, you know how clingy I am," ang wika niya. Kinuha naman niya ang mukha ko. "Pero kung talagang kailangan mo ng oras, sige."
Ninakawan naman niya ako ng halik. "Alis na," ang utos ko.
"Ngayon na talaga?!" ang reaksyon niya. Tumango naman ako.
"Wait lang," ang wika niya bago ako yakapin nang mahigpit.
"Alis na," ang muli kong sinabi.
"Call me when you're ready."
"I will."
Lumayo naman siya sa akin at nagpaalam bago tuluyang lumabas. Bumalik naman ako sa study area ko at ipinagpatuloy ang paggawa ng resignation letter. Muli na namang may kumatok. "Xian-hyeong!" Si Phyrrus. Hindi ko pa kayang humarap sa kanya. I feel guilty and I wante to apologize but I feel ashamed. "Xian-hyeong? Are you there?" Hinintay ko namang umalis siya. Nang makaalis siya ay nakatanggap naman ako ng chat. I opened his message in my laptop. It's just a link. I opened and redirected me to an empty tab. That's strange. Napailing naman ako.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
JugendliteraturXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...