Chapter 50

672 42 8
                                    


Xian's POV

"Prez!" ang pagtawag ni Janzen pagkalabas ko ng abandonadong gusali. Wala na ang SOP members sa paligid at kumalma na ang sitwasyon. Napatingin naman siya kila Zeus at Yuki. Susugod sana siya pero kaagad namang nagpunta sa likuran ko si Zeus.

"Prezylabs," ang parang bata niyang pagtawag sa akin. Ipinatong pa niya ang kanyang baba sa aking balikat. Rumihistro naman sa mga nakarinig ang gulat sa sinabi at ginawa ni Zeus. Mas lalo namang sumama ang titig niya kay Zeus. Siniko ko naman siya palayo. "Aray pero love you, too!"

I ignored him and looked around. "Nasaan si Xander?"

"Hindi pa namin siya nakikita," wika naman ni Janzen. I started to panick.

"I'm here," wika ni Xander bago nagpakita. Napakunot naman ako ng noo nang makita ang kasama niya, si Joachim.

"Kuya," pagtawag ni Yuki.

"Xander, okay ka lang?" ang nag-aalala kong tanong.

"I'm fine," ang tugon niya. "In fact, tinulungan ako ni Joachim magtago.

"You did?" ang gulat naming tanong kay Joachim na napabikit-balikat lang.

"Pero bakit?" ang pahabol kong tanong.

"Hindi ko gusto ang pagpapatakbo ni Paulo sa SOP Montecillo Chapter. Hindi ito ang SOP na pinasukan ko."

"So, okay lang sa'yo na ma-dissolve ang SOP?"

"Why not? Our brotherhood doesn't stop in Sigma Omega Pi."

Napangiti naman ako at tumango.

"Pero paano niyo gagawin 'yun?" ang tanong ni Yuki. "Na kay Kuya Paulo na ang camera."

"Huwag kang mag-alala," ang sagot ko. "Everything's under control. Nasaan nga pala ang mga SOP recruits?"

"Pinauna namin sila sa lugar kung saan tayo nag-park kasama ng ibang volunteers."

"Let's go, then. Ihatid natin sila sa Montecillo."

I started to walk, sumunod naman sila hanggang sa makarating kami sa mga sasakyan. Naroon nga sila Kuya Trace at Kuya Vince.

"Are you alright?" ang tanong ko sa kanila. Tumango naman si Kuya Trace sabay ngiti.

"Masakit pa rin 'yung pagkaka-paddle sa akin," reklamo naman ni Kuya Vince.

"Kailangan mo bang mapunta sa ospital, Kuya?" ang tanong ko sa kanya.

"Hindi. Okay lang ako," ang pagtanggi niya.

"I can't thank you enough for doing this for me," ang pasasalamat ko sa kanila. Magkabilaan naman nilang hinawakan ang balikat ko. Napatingin naman sila sa isa't-isa.

"He asked you too?!" ang sabay nilang reaksyon. "Yes."

"Kailangan talagang may paghawak?" ang komento ni Zeus sa tabi kaya napatingin kami.

"Don't mind him," bilin ko.

"Malakas ka sa akin, eh," ang wika ni Kuya Trace. "Sexytary."

"Para sa Royal Army Dance Troupe," ang saad naman ni Kuya Vince. Hanggang ngayon ay nakahubad pa rin sila. Napatitig naman ako sa kanilang mga katawan. "N-nasaan ang mga shirt niyo?" ang tanong ko.

"Naiwan naming nang magkagulo," ang paliwanag ni Kuya Trace.

"Ah," ang reaksyon sabay tango.

"Huy, mga mata mo," ang komento ni Zeus bago humarang sa aking paningin. Naghubad naman siya ng jacket at binato kay Kuya Trace. "Yuki."

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon