Xian's POV (After a few more days)
Napatingin ako sa orasan. May scheduled meeting ang Faculty ng School of Law kaya naman wala na akong klase ng hapon since na-cancel ang mga ito. I stayed in the library for a while; nasa klase rin si Zeus kaya naman, hindi kami puwedeng magkita. Pagkalapabas ko ng student lounge ay nakita ko naman si Janzen kaya naman lumapit ako. He's talking to some people and medyo seryoso ang usapan nila.
"Janzen," ang pagtawag ko sabay lapit. Napatingin naman sila sa akin.
"Good afternoon, Prez," ang pagbati nila sa akin. Tumango naman ako. "May problema ba?" ang tanong ko. "You all look so grim," ang komento ko pa.
"May outreach program kasi kami," ang paliwanag ni Janzen. "And karamihan sa mga volunteers ay nag-back out. If they could just have told us earlier, magagawan pa sana namin paraan. Pero naayos na namin ang lahat.
Napaisip naman ako. "Let me see if I could help."
I pulled my phone from my pocket and sent a message to a certain group chat; group chat ng mga Political Science students. I asked them to come to the library if they really don't have anything to do. Hindi nga nagtagal ay dumating sila. Ipinaliwanag ko naman ang siytwasyon; kaagad silang pumayag. I guess they're bored. Buong maghapon akong tumulong sa outreach program. We were too busy that I forgot to give the SSG Officers a heads up na hindi ako makakapunta sa SSG Office.
"Xian, maraming salamat sa tulong," ang pasasalamat ni Janzen.
"It's no big deal," ang nakangiti ko namang tugon.
"You saved us," ang wika niya. "Paano ako makakabawi?"
Napaisip naman ako. "A cup of iced coffee would be nice," tugon ko. Tmnago naman siya.
"Then, daan muna tayo sa coffee shop," ang suhestyon niya. "Gusto rin kitang makausap. I think this is the only chance I have."
"What do you mean?" ang tanong ko. Napabuntong-hininga naman siya.
"Anong real score sa inyo ni Zeus?" ang deretsahan naman niyang tanong. Nag-aalangan akong sabihin sa kanya; ayokong mapanakit ng tao. "It's alright. You're free to tell me," ang dagdag niya. "Kailangan ko lang marinig galing sa'yo."
"Janzen, matagal na rin tayong magkakilala," ang pagsisimula ko. "And I really appreciate you for helping me all the time... but tulad nga ng nasabi ko dati, I only see you as a friend."
"Ano bang nagustuhan mo sa kanya?"
"Hindi ko rin sigurado. But he's a warm person."
Napatango naman siya.
"Janzen, I know ikaw ang unang nakiusap nito pero sana walang magbago."
Ngumiti naman siya at tumango. "Masaya na akong makita kang masaya sa malayo."
"You're a great guy, Janzen. May mas deserving pang tao na darating para sa'yo."
"Hindi ka deserve ni Zeus kaya naman sa oras na saktan ka niya; wawasakin ko ang mukha niya."
"No need; I can manage," tugin ko na ikinatawa niya.
"Let's go grab coffee," ang wika niya.
Nagtungo nga kami sa coffee shop at bumili ng kape pero bago kami umalis ay binilhan ko naman si Zeus ng Nom Yen o Pink Milk. One thing I learned about him is he has a sweet tooth. Dumeretso naman kami ni Janzen sa dormitory. Bago pa lang kami makapasok ay nakasalubong namin si Zeus.
"What's the meaning of this?" ang malamig niyang tanong. Bigla naman niyang linapitan si Janzen at kwinelyuhan. "Get away from Xian."
"Zeus!" ang gulat kong reaksyon bago namagitan sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...