Xian's POV
Dumeretso naman ako sa VIP Lounge nang makarating sa library. I looked at the time may fifteen minutes pa bago mag 10am. I just settled in bago naglabas ng libro. I started to read my book on Introduction to International Relations and Global Politics.
"Hi, Xian—" ang pagbati ng isang tinig. Finally, she's here.
"You're forty-five seconds late," ang wika ko bago isinara ang hawak kong libro at tininignan siya. Nakangiwi naman siyang nakipagtitigan sa akin.
"Sorry, naligaw pa kasi ako," paghingi naman niya ng paumanhin. "Alam mo na, newbie here. Ang laki kaya ng campus—"
"Nag-campus tour kayo noong orientation. Hindi ka siguro attentive," I cut her. One of my Waterloos is excuses. I'm usually patient pero dahil sa naging alitan ni Thunder at Thiago...idagdag mo pa sila Eli and Zeus, my patience has already ran thin. "Anyway, I want you to be one of my running mates this coming election. I need a reliable secretary and I'm offering the slot to you."
Dinampot ko naman ang forms at binigay sa kanya. Naupo naman siya sa tapat ko. She started to scan the paper like it was her first time seeing such a document. "Sinusulatan iyan, hindi binabasa lang," ang komento ko.
"Alam ko. Kalma lang, puwede?" wika naman niya bago kumuha ng ballpen at sinimulan nga itong sulatan. "Bakit sa akin mo in-offer ito?"
"Good question," saad ko. "I heard that you were a vice president of the student council from the school you had been. That's fairly enough reason to choose you."
Napatingin naman siya sa akin. "Ini-stalk mo ako?" ang tanong naman niya bago muling ibinaling ang kanyang atensyon sa forms. Napakunot ako ng noo. "How ridiculous," ang sabi ko sa aking isipan. "Research," pagtatama ko naman. Hindi naman nagtagal ay natapos na nga siya sa Certificate of Candidacy. Kaagad naman akong nag-ayos ng gamit. I was about to leave when I looked at her. "Never be late again," ang bilin ko. "My time is gold, okay?"
"Noted!" ang tugon niya.
"One more thing," pahabol ko nang may maalala. "The dorm leader in the female dorm just graduated. I need a new one and I'm appointing you to take the responsibility."
Kaagad naman akong tumalikod at naglakad papalabas ng VIP Lounge. Natigilan ako nang may makita sa tapat ng entrance. An ID card. At malakas ang kutob ko kung kanino 'yun. I picked it up. Hindi ngaako nagkakamali; kay Ariston nga. Napatingin naman ako sa paligid and started to look for him. I found him next to the table where I sat. Naglakad naman ako papalapit.
"Ariston, your ID," wika ko. Tulog na naman siya; nakayakap pa nga sa isang Cost Accounting textbook. Seriously, this guy. Kung hindi lang talaga niya ka-close si Mama. I would give him a punishment ten times fold. "He's sleeping again," I uttered in frustration. Napatingin naman ako kay Deyanne, ang babaeng rinig ko ay patay na patay kay Ariston. "Wake him up and give this to him," bilin ko bago binigay ang ID at tumalikod. Kaagad din daman akong tumingin sa kanya. "And tell him that the library is not for sleeping."
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Novela JuvenilXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...