Xian's POV
Kaagad naman akong nagpaalam sa tatlo nang matapos akong kumain.
"Uy, Xian!" ang pagtawag ng isang pamilyar na tinig pagkalabas ko ng cafeteria.
"Kuya Trace," ang wika ko nang mapagtanto na siya ang tumawag sa akin.
"Kamusta na ang SSG President?" ang tanong niya sa akin. Si Kuya Trace ang former SSG President bago ako ang pumalit sa kanya.
"Kuya, can we talk?" ang seryoso ko namang tanong.
"Sure," ang pagpayag niya.
"But not here," ang wika ko. Nagpunta naman kami sa malapit na gusali at dumeretso sa isa sa mga lecture room na walang tao. I closed the door.
"Ano bang gusto mong pag-usapan?" ang tanong niya. "And it seems serious."
"Kuya, I need a decoy," ang tugon ko. "And I was wondering kung puwede ka."
"Para saan?"
"Sasali ka ng Sigma Omega Pi," ang paliwanag ko. "Kailangan ko silang mahuli sa akto sa kanilang initiation rites."
"Ano bang meron sa initiation rites nila?" ang sunod naman niyang tanong.
"Hazing..." tugon ko. "by paddling."
Napatango naman siya. "Paano mo naman nalaman?"
"I inspected their office and saw paddles," ang tugon ko.
"Okay, pero hindi 'yun sapat na ebidensya," ang komento ni Kuya Trace.
"Alam ko, Kuya," ang pagkumpirma ko. "But I asked them kung kailan nila nakuha 'yun. But you know what they said? Just recently. Funny enough kasi may sign of usage ang paddles."
"Hmm," ang reaksyon niya bago napahalukipkip ng mga kamay. "Anong plano mo kapag nahuli mo sila?"
"That's not for me to decide, Kuya," ang tugon ko. "I'll let the Disciplinary Office do their job."
"I see."
"Kuya, by catching them red-handed... I guess you already know what that means."
Tumango naman siya. "I guess mataas naman ang pain tolerance ko."
"Just one hit," ang pakiusap ko. "And we will do the rest."
"Okay, I'm in," ang pagpayag niya. "When?"
"Sa susunod na recruitment but before that... let us not meet," ang tugon ko. "Let's stay formal. Speak ill of me when I'm not around."
"To gain their trust?" ang tanong niya.
"To gain their trust," ang pagkumpirma ko. "Isa pa, yung isang member nila, sunod ng sunod sa akin. We need to eliminate suspicions from them."
"I understand," ang tugon niya. "Hindi talaga ako nagkamali sa'yo, Xian. I never expected that my quiet sexy-tary will become a fierce tiger cub."
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Novela JuvenilXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...