Chapter 51

719 40 7
                                    

Xian's POV

Kaagad din naman siyang lumayo. Kita ko ang ngiwi sa kanyang mukha. "Ang hapdi," ang wika niya sabay turo sa kanyang labi. "Pero mas matamis ngayon ang mga labi mo."

"Stop," ang nahihiya kong tugon bago nahiga at tinalikuran siya. "Matutulog na ako," wika ko habang nakangiti. "Patayin mo na lang 'yang nightlamp."

Pinatay na nga niya ang ilaw bago ko naramdaman na yumakap siya sa akin. "Good night, Prezylabs."

"Sleep well, Bebe Z."

"Soyoung-nunna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Soyoung-nunna." I can hear Phyrrus' voice. I must be dreaming. "Sa tingin mo... ginawa na nila?"

"Mweo (what)?" Ngayon naman ay boses ni Patty ang naririnig ko.

"Aljana (you know). What lovers do."

"Bicheoso? (Are you crazy) Sinabi ko naman sa inyo na huwag tayong pumasok."

"Minjeong-hyeong, what do you think?"

"Naega otteokhae arra? (How would I supposed to know)?" Ngayon naman ay si Patrick ang nagsasalita. Bakit present ang Pak siblings sa panaginip ko? "Hindi ko alam na sila."

"Ah, naalala ko na nabanggit ni Xian-hyeong na binigyan siya ng condom bouquet ni Zeus-hyeong."

"Eew!" ang reaksyon ni Patty.

"Jjinja?" ang di naman makapaniwalang tanong ni Patrick.

"Jjinjaro, hyeong."

"Seolma. (No way)"

Minulat ko naman ang aking mga mata. Bumungad sa aking ang mukha ni Phyrrus. Ngumiti siya sabay bati, "Good morning, hyeong."

Kaagad naman akong napaupo. Nakita ko namang nakatayo si Patty sa dulo ng kama, nakatupi ang kanyang mga kamay at si Patrick ay nakaupo sa study area at may binabasa.

"A-anong ginagawa niyo rito?" ang gulat kong tanong.

"It's Sunday, duh," ang tugon naman ni Patty. "Sinusundo ka namin."

"Your room is not locked kaya pumasok na kami," ang paliwanag naman ni Patrick. "Sorry, if we invaded your space with that guy."

"Prezylabs," ang wala sa sariling pagtawag ni Zeus bago niya mas hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko. He buried his face against my waist. Napanganga naman ang tatlo sa kanilang narinig.

"Daebak (Wow)," ang komento ni Phyrrus. Napatingin naman si Zeus. Biglaan siyang napaupo bago napatingin sa magkakapatid. Natahimik naman kaming lahat.

"Anyway," ang pagbasag na ni Patty sa katahimikan. "We'll wait for you sa baba, dadaan pa tayo ng BGC," saad niya pa sabay flip ng hair at naglakad palabas ng kuwarto. "Juyeon-a! Minjeong-oppa!"

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon