Xian's POV
I opened my eyes. Medyo madilim ang paligid pero sigurado naman akong nagising ako sa tamang oras. I reached for the switch and turned on the lampshade. I looked at the wall clock. It's five minutes past five in the morning and it's the official start of the semester. Napatitig lang naman ako sa kisame ng ilang segundo. Kaagad naman akong bumaba ng kama at inayos ang aking kama bago nag-inat. Binuksan ko naman ang blinds at napamasid sa labas. It's still a bit dark outside but I can see some people walking already. I started to prepare for class. 7:30 kasi ang unang klase ko. It took me less than an hour to prepare. Naupo naman ako sa study area at nagbuklat ng libro. Kinuha ko ang aking phone at binati sila Mama at Daddy. Hindi naman nagtagal ay nag-ring ang phone ko. Kaagad ko namang sinagot ito.
"Hello, Ma," ang bati ko. "Good morning."
"Ang aga mong nagising," ang komento niya. "Nakatulog ka ba ng mahimbing, bebe Xian?"
Napangiti naman ako nang marinig 'yun. "Ma, huwag mo na akong i-baby."
"Asus, tumanda ka man, ikaw pa rin ang baby namin ng Daddy Marky mo. But going back, natulog ka ba nang maayos?"
"Yes, Mama. Don't worry about me," ang nakangiti ko namang wika. "Where's Dad?"
"Still sleeping. Do you want me to wake him up?"
"Hindi na, Ma. Baka kasi pinagod mo kagabi," ang tukso ko. "Naglabing-labing kayo, 'no?"
"Susmeng bata ka. Kung anu-anong pinagsasabi mo."
"Asus, masakit na naman likod mo, Mama. I bet."
Natawa naman siya sa kabilang linya. "Masakit nga," ang pagkumpirma niya. "Tumatanda na kasi ako, ikaw talaga. Nakapag-breakfast ka na ba?"
"Mamayang around 6am pa magbubukas ang cafeteria," ang balita ko. "But I intend to look over my textbooks before I go to my classes."
"Osiya, maghahanda na rin ako. Huwag kang magpalipas ng gutom, anak," ang bilin niya. "I'll see you later sa Montecillo. Love lots, anak."
"I love you too, Mama," ang tugon ko bago natapos ang aming usapan. Pinagtuunan ko naman ng pansin ang textbook. Hindi ko naman namalayan ang oras dahil pilit kong iniintindi ang ilan sa unfamiliar topics sa libro. Natigilan lang ako nang makaramdam ng gutom. I guess it's already time to eat breakfast. Tumayo naman ako at kinuha ang ID ko mula sa mesa. Pagkalabas ko ng aking silid ay dumeretso ako sa common area kung nasaan ang elevator. May ilang estudyante na ang naghihintay doon. Napatingin naman sila sa akin at bumati. I casually nodded at them. Hindi naman nagtagal ay nagbukas ang elevator. May mga estudyante na nasa loob, they are from the 8th floor. Pagkabukas ng elevator ay kaagad akong lumabas. I waited for Xander and then headed to the cafeteria. Kaagad kong napansin sila Patty with Ariston sa iisang table. Kaya sila napagkakamalang couple, like they really look like they are dating. They're always together kasi. Unless Patty is not telling me anything. But oh, well! It's none of my business. Namataan ko naman si Deyanne sa katabi nilang mesa, kausap si Aristella, ang nakababatang kapatid ni Ariston. Sinabihan ko naman si Xander na mauna muna sa pila while I talk to her.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...