Xian's POV
"Focus on your food," ang suway ko.
"My eyes are already on it," ang tukso niya.
"You're so shameless," ang reaksyon ko.
"Kasalanan mo," ang wika niya.
"Paano ko naging kasalanan?" ang retorikal kong tanong bago dinampot ang food tray at ibinalik. Kaagad naman siyang sumunod. Hawak niya ang food tray sa isa niyang kamay samantalang ang bouquet naman sa kabila.
"Hatid na kita sa School of Law," alok niya nang lumabas kami ng cafeteria
"I can manage," ang pagtanggi ko bago kinuha ang bouquet mula sa kanya. Kaagad naman niyang kinuha ang braso ko at hinila papunta sa motor niya. "Ang sabi ko, hindi mo na ako kailangang ihatid pa."
"Alam ko pero gusto ko pa rin," ang pagpupumilit niya. Napabuntong-hininga naman ako.
"Dalhin mo ako sa SSG Office, iiwan ko muna itong binigay mo sa desk ko."
"Sure," ang pagpayag niya. Sumakay naman ako sa kanyang motor. Nagsimula na nga siyang magmaneho ngunit kaagad na nanlaki ang aking mga mata nang lagpasan niya ang OSA. Dineretso naman niya ako sa School of Law.
"Ang sabi ko, sa SSG muna," ang atungal ko nang makapag-park siya sa tapat. Nag-alis naman siya ng helmet bago tumingin sa akin at ngumiti.
"May nakapagsabi na ba sa'yo na you're cute when you're annoyed?"
"Wala pa. They say they're intimidated by me," tugon ko naman. "Teka nga, mabalik tayo. Malinaw ko namang sinabi sa'yo na sa SSG muna. Now, I have to carry this bouquet around."
Ngumiti naman siya. Now, I get it. Sinadya niya talaga ito. "Gusto mo talagang napapahiya ako, ano?" ang reaksyon ko.
"Ano namang nakakahiya sa pagbitbit ng isang bouquet?"
"Well, magtatanong sila kung kanino galing."
"Mahirap bang sabihin sa kanila na ako ang nagbigay?" ang tanong niya.
"Nakakahiya."
"Kinahihiya mo ako?"
"That's not what I mean. I feel embarrassed," paliwanag ko naman. "Anyway, I should go. Male-late na ako sa first class ko."
"Go ahead," ang tugon niya. "I'll see you later."
Dumeretso naman ako sa loob ng School of Law at tulad ng aking inaasahan ay inulin ako ng mga tanong tungkol sa aking hawak na mga bulaklak. Mabuti na lang ay inalis ko na kaagad ang card na nakalagay. After class ay dumeretso ako sa opisina ni Mama.
"Oh my, anak. Is that for me?" ang reakyon niya nang makita ang hawak ko.
"Y-yes, Ma," ang pagsisinungaling ko bago ibigay sa kanya ang bouquet.
"What's the occasion?" ang sunod niyang tanong.
"H-huh? I just want to remind you how much I love you, Ma," ang pagdadahilan kong muli bago naupo sa sofa.
"Whoever gave you this has taste," ang komento naman ni Mama kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi ka makapagsisinungaling sa akin, Xian. I know you." Napakamot naman ako ng ulo. "Alam mo ba kung anong bulaklak itong light pink?" Napailing naman ako. Yung red roses lang ang pamilyar sa akin. "Astilbe ang tawag sa mga 'to. Nung mga panahing nagliligawan pa kami ng Daddy mo; ito ang palagi niyang binibigay sa akin. Kapag nakatanggap ka ng ganito; ibig sabihin ay nangangako ang taong 'yun na hihintayin ka niya."
Mabagal naman akong napatango.
"So, kailan mo ipapakilala sa amin ng Dad mo?" ang sunod namang tanong ni Mama.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...