Chapter 46

665 46 7
                                    

Xian's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xian's POV

Kinabukasan ay bumalik ako ng Montecillo since it's already Sunday again. I need to be in the dormitory for my dorm duties. Ito rin ang huling linggo ni Midnight sa silid ni Zeus. Sa susunod na lingo ay iuuwi ko na siya bahay namin sa Forbes Paark. Excited na nga akong ma-meet niya si Dipper. I'm just hoping that they get along with each other. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong ibibigay kong regalo kay Zeus bilang pasasalamat sa pag-aalaga niya kay Midnight. Tulad ng aking nakasanayan ay pumunta ako sa reception area ng dormitory. Inayos ang mga clipboard at linapag sa harap. Simula nang kausapin ako nila Mama at Daddy ay hindi naalis sa aking isipan ang aking mga nalaman.

There was a need for me to find out who that person is.

"Prez!" ang pagtawag ng mga pamilyar na boses. Kaagad naman akong napatingin; sila Deyanne at Amira na kapwa kalalabas ng elevator.

"Prez, okay ka na ba?" ang tanong ni Amira.

"I'm okay," tugon ko naman. "Thank you for asking. And sorry."

"Para saan?"

"I made you all worried."

"Asus, wala 'yun," masayahing wika ni Deyanne. "Kung kailangan mo ng makaka-usap, narito lang kami, Prezylabs."

"I appreciate that," ang tugon ko. "I would appreciate it too if you would stop calling me that. And I would appreciate it more if you will start checking our dormmates."

"Prez, talaga," ang natatawang reaksyon ni Deyanne bago kinuha ng clipboard. "Pag-iisapan ko muna," ang huli niyang sinabi bago tuluyang umalis.

"Deyanne!" ang pagtawag ko.

"Oh, well," ang wika ni Amira. "Mauna na rin ako, Prez."

"Go ahead," ang tugon ko bago napatingin kay Xander. Inabot ko naman sa kanya ang clipboard na designated para sa kanya. Magkasunod naman kaming tumayo upang simulan ang aming nakatakdang gawin. Tulad ng kinagawian ay huli kong pinuntahan ang silid ni Zeus. I'm just hoping na maabutan ko siyang desenteng tingnan.

"Attendance check," ang wika ko sabay katok sa pinto. Hindi naman nagtagal ay nagbukas 'yun. Napatingin naman kami sa isa't-isa. Kaagad ko namang ibinaling ang tingin ko sa kanyang pangalan sa listahan bago ito markahan. "Can I come in?" paalam ko.

"S-sure," ang pagpayag naman niya. Pumasok naman ako at kaagad na linapitan si Midnight.

"Midnight, sorry," ang paghingi ko naman ng paumanhin sa kanya dahil nawala ako ng Sabado at Linggo. "Na-miss mo ba ako?"

"Oo," ang tugon naman ni Zeus kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Paano mo naman nasabi?" ang tanong ko.

"I just know," ang simple niyang sagot. "Anyway, how are you?" ang tanong niya.

"I'm okay," ang tugon ko naman.

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon