Xian's POV
How could I not hate the likes of Zeus? Parang bawat cell sa katawan niya ay may kung anong masamang awra. At sigurado ako na, ipinaglihi siya sa sama ng loob.
"Let's save the life lessons after lunch, shall we?" ang singit ni Dad kaya natigilan kami ni Mama. Dumeretso naman kaming tatlo sa sasakyan ni Dad na naka-park sa tapat ng School of Law. "Xian, anong gusto mong kainin? Do you have any cravings?"
Kaagad naman akong napaisip. "Wala po akong maisip," pag-amin ko.
"How about Italian food?" suhestyon ni Mama. Napailing ako. "Chinese? Japanese? Thai?"
"Thai sounds good," ang nakangiti kong pagpayag.
"Then, let's go to your favorite Thai restaurant," ang tugon ni Mama.
"Hindi ba malayo 'yun sa RTC, Ma?" ang tanong ko.
"Huwag kang mag-alala. We still have free time to spare bago ang court hearing na kailangan kong daluhan. Napatango naman ako at tahimik na ipinagpatuloy ang pagmamaneho samantalang sila Mama at Daddy naman ay nagsimulang magkwentuhan tungkol sa sari't-saring bagay.
"Xian, I heard that you're running for President again," ang wika ni Dad.
"Yes, Dad," ang pagkumpirma ko. "I think I told you about that before."
"Did you?" ang reaksyon niya. "Sorry."
"Okay lang, Dad," nakangiti kong tugon.
"Kamusta ang mga kasama mo sa party list?"
"Malapit ko nang makompleto, Dad. Well, I convinced Xander to run with me as Vice-President," balita ko.
"Mabuti naman at naisipan na ni Xander na tumakbo," ang komento ni Mama. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"And then, I'm thinking of Janzen," ang pagpapatuloy ko. "Wala siyang track record ng pagiging isang leader but he belongs to many NGOs. Naisip ko rin na magandang may connection ang SSG sa mga ganung bagay. Lalo na if we intend to have an outreach program. He's also a friend of Pierre."
"Yung kaibigan mo na sinasabi mong playboy?" ang tanong ni Mama.
"Yeah," simple kong pagkumpirma.
"Ganyan din ako noong kabataan ko," wika naman ni Dad. "Ganyan talaga kapag magandang lalaki."
"Asus," si Mama.
"Kaya nga kita napasagot ay dahil sa kagwapuhan ko."
"Ipagpatuloy mo lang 'yan, Marky."
"Alam ko naman kung bakit patay na patay ka sa akin, eh."
"Kung ano man 'yang sasabihin mo, ipapa-alala ko lang na narito ang anak mo."
"Ha? Hindi ba dahil mabait ako? Thoughtful? Masarap ako..."
"Marky!" suway ni Mama na ikinatawa namin ni Dad. Ganito sila palagi sa isa't-isa. Para silang mga teenager kapag naglambing sa isa't-isa."
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...