Chapter 45

681 37 3
                                    

Xian's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xian's POV

Kasalukuyan akong nakatitig sa labas ng bintana ng aking silid. Matapos akong atakihin ng trauma ko sa candlemaking event ay dinala ako nila Mama sa aking private psychiatrist. Nang kumalma naman ako ay napagdesisyunan naman nila Mama na iuwi muna ako sa bahay naming sa Forbe's park. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa mga nakakita sa akin sa event na 'yun but I remember their warm support towards me.

It has always been like that. Evertime na... inaatake ako ng trauma ko dahil sa vanilla ay nakakaramdam ako ng lungkot. Lungkot na tila ba kasing lawat at kasing lalim ng karagatan; guston akong lunurin at hilain sa kalaliman. Mahirap huminga; mahirap mag-isip ng deretso.

Only if I just know why I loathe vanilla so much. Ang naaalala ko lang nung bata pa ako ay nagkahiwalay si Mama at Daddy pero hindi ko alam kung anong naging dahilan. Nakita ko kung gaano kamiserable si Mama sa mga panahong 'yun. Tila ba nawala na lang nang parang bula si Daddy. Naaalala ko na pinupuntahan naming siya and the place where he lives smells like Vanilla perfume. Siguro nga, doon lahat nagsimula. Sa tuwing pupuntahin namin si Daddy ay hindi ko siya makikita, maririnig ko na lang na nagtatalo si Mama at si Daddy. Tumatak sa aking isipan ang isang kaganapan noon. Pinuntahan naming si Daddy sa lugar kung saan siya nakatira. Nakarinig na lang ako ng mga sigawan sa loob ng isang kuwarto. Pagkalabas ni Mama ay hinila niya ako palabas. I was crying kasi gustong-gusto kong makita si Dad. I missed him so much. Back then, it felt like forever. I became frustrated and lashed on mama in the car. Nagsimula naman siyang humagulgol bago ako hilain at yakapin ng mahigpit. We ended up crying in the car. It was then that we packed our staff and headed to South Korea and lived there for two years bago muling nagpakita ulit si Daddy at sinundo kami.

Gusto kong malaman kung bakit siya nawala... kung bakit niya kami iniwan ni Mama. Gusto kong magtanong pero natatakot ako. Natatakot akong may mga sugat na muling mabuksan. Ayokong muling masaktan si Mama. Siguro, kaya ko namang harapin ang trauma ko. Hindi siguro... kailangan.

Napalingon naman ako nang may kumatok sa pinto kasunod ng marahang pagtawag ni Dad sa aking pangalan. Tumayo naman ako at pinagbuksan siya. Kita ko kaagad sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Dad," wika ko.

"Are you okay?" ang tanong niya. Pilit naman akong ngumiti at tumango. "Can I come in? Can we talk?"

"Of course, Dad," ang pagpayag ko. Pumasok nga siya sa aking silid at naupo sa gilid ng aking kama. He motioned me to sit beside him. Sumunod naman ako at hinitay ang kanyang sasabihin.

"Anak, masama ba ang loob mo sa akin?" ang out of the blue niyang tanong.

"Dad, hindi ko alam kung bakit sasama ang loob ko sa'yo," ang komento niya.

"Alam kong alam mo na ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkaroon ng trauma," ang paliwanag niya. "And I feel burdened. I feel guilty kasi I should be the one protecting you and your Mama. Ako dapat yung foundation pero hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin dahil sa akin."

Hinawakan ko naman ang kamay ni Dad to comfort him. Napailing naman ako. "As fas as I know, you're doing a great job being my Dad."

Pilit naman siyang ngumiti.

"But Dad can I ask you something?" ang paglalakas ko ng loob.

"Anything, Xian."

"Bakit mo kami iniwan ni Mama?" ang tanong ko. Napatingin naman kami ni Dad nang pumasok si Mama sa aking silid at isa ko pang tabi.

"I guess it's time para malaman mo kung anong tunay na nangyari," ang wika ni Mama. "Naaksidente ang Daddy mo, Xian. Nagkaroon siya ng retrograde amnesia."

"Hindi ko ginusto pero nawala kayo ng Mama mo sa aking memorya. Naaalala ko lang ang mga panahon kung kalian engaged pa ako sa dati kong fiancée," pagpapatuloy ni Dad.

"Then, that vanilla-scented perfume..." I assumed. Habang nagkukuwento sila ay hindi ko maiwasan ang maluha sa aking mga naririnig.

"Tama. Gamit 'yun ng dating fiancée ni Marky," ang pagkumpirma ni Mama. "Naniniwala si Marky na mahal niya pa ang ex-fiancee niya. And that ex-fiancee is still in love with him. They decided to get married kaya naman I decided na ilayo ka. Ayokong masaktan ka pa lalo sa mga nangyayari that time. Humingi ako ng tulong kay Ninang Addie at Ninong Steve mo na tumira sa Korea. We were about to settle there."

"But one day, bumalik sa akin ang lahat. Xean, ikaw, at ang pamilya natin. Matagal ko kayong hinanap hanggang sa makausap ko muli si Addie. I begged her to tell me where you are."

"Nagpunta nga ang Dad mo sa Korea and we were reunited.

"Kaya anak. Patawarin mo ako dahil nasaktan kita na hindi sinasadya," ang paghingi ni Dad ng kapatawaran. Nagsimula rin siyang lumuha.

"Dad," ang pagtawag ko. "Wala kang ginawang mali. And never akong nagtanim ng sama ng loob sa'yo. I just wanted to know kung bakit biglaan kang lumayo. Kung papipiliin ako sa susunod na buhay; pipiliin ko pa rin kayo ni Mama."

Bigla naman niya akong hinila papalapit sa kanya at yinakap. Batid kong mabuting tao si Daddy. I can feel his guilt sa nangyari noon at ramdam kong pinipilit niyang bumawi.

"Dad, hindi mo kailangang ma-guilty," ang wika ko. "Ngayon ay naiintindihan ko na. Hindi masama ang loob ko sa'yo. At alam kong you're doing your best para sa pamilya natin. And I will, too. Someday, I will make you proud."

"Ngayon pa lang, proud ako sa'yo," ang tugon niya. "Huwag mong kakalimutan na narito lang ako para sa inyo ng Mama mo. Magka-asawa ka man at magka-anak, sa mga mata ko, ikaw pa rin ang Bebe Xian namin."

Yumakap din naman sa amin si Mama. "Tama ang Daddy Marky mo," ang pagsang-ayon niya.

"Pero sino 'yung tinutukoy niyong ex-fiancee ni Daddy?" ang tanong ko. Lumayo naman sila sa akin at napatingin sa isa't-isa. Napailing naman si Mama.

"Xian, hindi mo na kailangang malaman kung sino 'yun. Matagal nang wala siya sa buhay natin," ang wika nia. "Let's just all move on."

Sana ganoon lang kadali ang lahat para sa akin. Ngayon ay kumbinsido na ako na siya talaga ang puno't-dulo ng lahat ng ito. "Yes, Ma," ang pagsang-ayon ko sabay ngiti.

Indeed, I survived that abyss of not knowing why Dad left pero pagkalabas ko ng karagatang 'yun ay isa lang ang sugurado ako, a storm is brewing and I want to know who that person is.

Yun lang ang tanging paraan para matapos na ang lahat ng paghihirap ko.

And I swear I'll look for that person. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon