Chapter 30

691 45 6
                                    

Xian's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xian's POV

Nang makapuwesto ako sa front desk ay pinanood ko si Zeus na pumasok sa dorm at sumakay ng elevator. Napailing na lang ako nang mawala siya sa paningin ko. Tulad ng kinagawian ay inilapag ko ang ilang clipboard sa harap para kila Deyanne, Xander, at Amira. I began doing some of my homework so I can do some more reading about some topics in my subjects.

Pagkalipas ng isang oras ay kinuha ko ang personal kong clipboard at nagtungo sa may elevator. Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa akin si Phyrrus. "Saan ka pupunta?" ang nagtataka kong tanong.

"Hyeong! Sandali lang ako," ang paalam niya bago pinakita ang screen ng phone niya. Nakabukas ang isang delivery app. He's always eating; mabuti nga at hindi siya tumataba. Tumakbo naman siya palabas ng dorm. Napailing na lang ako at pinindot ang open button at hinintay siya.

"Hyeong! Gomawo," ang pasasalamat niya pagbalik niya bitbit ang ilang plastic bag lulan ang pagkaing in-order niya.

"Phyrrus, ang dami naman niyan," ang komento ko. "Ikaw lang kakain niyan?" tanong ko pa.

"Hindi, hyeong," ang tugon niya. "Ibibigay ko 'yung isa kay Minjeong-hyeong. Inutusan niya akong um-order ng Korean food, nami-miss niya na raw kasi 'ang lutong bahay sa azucarera. Napatango naman ako. "Ikaw ba, hyeong? Hindi mo ba nami-miss ang luto ni Mama Xean?"

"Medyo," tugon ko. Sakto namang nagbukas ang pinto. Lumabas ako sa fifth floor. "I'll see you, then."

"Sandli lang, hyeong," ang pagpigil niya. Huminto nga ako at hinintay kung anong sasabihin niya. "Here."

Inalok naman niya ang isang bottled drink. Kinuha ko naman 'yun at nagpasalamat. Nagsimula nga akong kumaok sa mga pinto at tiningnan ang bawat kuwarto roon.

Nasa 7th floor na ako at nasa tapat ng pinto ng silid ni Zeus ngunit linagpasan ko 'yun. I plan to check his room last so I can have more time with Midnight, too. Everyone is there; nadatnan ko na ngang kumakain si Phyrrus sa kuwarto niya habang nagbi-binge watch ng Kdrama. Ganun din ang nadatnan ko sa silid ni Patrick; though he's live streaming at dim light again.

"Guys, the Dorm Leader is here," ang anunsyo ni Patrick bago ako hinila sa tapat ng PC niya. "Xian, say hi."

Nanlaki naman ang aking mga mata bago ko itinakip ang clipboard sa aking mukha. "H-hello. Bye," ang wika ko bago lumayo.

"Oh, he's handsome?" ang wika ni Patrick habang binabasa ang mga comments sa live stream niya. "He is, right?"

Kaagad naman akong lumabas ng silid niya. Hindi naman nagtagal ay natapos ang dorm duty ko. Natapos ito pagkatapos kong matingnan ang pinakahuling silid sa eigth floor, ang kay Ariston. Binigyan na naman niya ako ng isang slice ng strawberry shortcake. Hindi na ako makapaghintay na mabisita si Midnight kaya naman kaagad akong dumeretso sa 7th floor. "Zeus," ang pagtawag ko sabay katok sa kanyang pintuan. Naghintay naman ako ng ilang saglit bago inulit ang pagkatok. "Zeus, I know you're there."

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon