Chapter 8

887 59 21
                                    

Xian's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xian's POV

Wala na akong ibang gagawin ngayong araw kundi ang magpunta sa practice ng archery team. Dumeretso ako sa Institute of Physical Education at pumasok sa locker room para mag-bihis. Pagkatapos naman ay pumunta ako sa Archery Team. Naroon na ang ibang miyembro ng team pati na rin si Perry. Bago naman kami pumunta ng target area ay nagbigay muna ng ilang paalala ang coach namin.

It's the first semester and kailangan na naman naming paghandaan ang University Meet, isang event kug saana ay kailangan naming makipag-compete sa ibang University like Richmond and Saint Anthony. Wala pang official announcement tungkol sa listahan ng archery events para sa University Meet pero naghahanda na kami. I guess kahit 'yung ibang team ay nagsisimula na ring maghanda.

Napatingin ako kay Perry. He's the captain of the Volleyball Team. I really wonder kung paano niya napagsasabay-sabay ang mga task niya. But it's really none of my business so I never bothered to ask him.

Habang nasa practice ay natigilan ako nang may estudyanteng nagmamadaling lumapit sa akin.

"Anong problema?" ang tanong ko.

"May nag-aaway na mga estudyante, ayaw paawat."

"Ha? Bakit raw?" ang gulat kong reaksyon.

"Uhm, mas makakabuti kung pumunta ka na lang, Prez," tugon niya sabay kamot ng ulo.

"Fine," ang pagpayag ko. Madalian akong nagpaalam sa coach. Dahil sa pagmamadali ay hindi ko sinasadyang madala ang archery equipment ko.

Sinundan ko naman ang estudyanteng nagsumbong sa akin at pagkalipas nga ng ilang minuto ay nakarating kami sa School of Liberal Arts. Nang makarating kami sa third floor ay kaagad kong nakita ang kumpol ng mga estudyante sa isang pasilyo. Rinig ko rin ang sigawan na nagmumula sa isang silid.

"Make way," ang malakas na utos ng kasama ko. "Narito ang si Prez!"

Nagsimula naman silang tumabi nang makita ako. What the hell is happening? Nasaan ang President ng School Student Council? Nang makarating ako sa harapan ay may mga tao sa loob ng silid kasama na ang dalawang estudyanteng nagbabangayan. Kaagad namang nakaagaw ng aking atensyon ang isang pamilyar na mukha sa tabi, si Zeus. Nakangiting nanonood. This is why I don't like him. Imbes na umawat ay tuwang-tuwa pang nanonood na tila ba nasa isang sabungan.

"Ano?! Sampalan na lang!" ang hamon ng isa sa mga estudyante na nakikipagtalo. Kaagad ko namang ibinaling ang tingin ko sa kanila. Napansin ko naman ang presidente ng student council na umaawat.

"Game! Akala mo, uurungan kita?!"

"What is happening here?!" ang malakas kong tanong kaya naman natigilan sila at napatingin sa aking direksyon.

"P-prez?!" ang kapwa nila reaksyon nang mapansin ako. I folded my arms and waited for them to answer me.

"Narito ka na naman?" ang tanong isang tinig; napalingon naman ako.

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon