Xian's POV
Kinuha ko na lang ang phone ko at tinext si Mama. I asked him about Mrs. Imperial. Ang sabi naman niya ay, kilala nila pero hindi naman sila magkaibigan for her to demand something like this. Napakibit-balikat na lamang ako at dinampot ang aking clipboard para i-check ang dormmates ko. Huli kong pinuntahan ang silid ni Zeus. I knocked on the door as I called his name. Hindi naman nagtagal ay binuksan niya 'yun.
"I'm here," ang walang gana naman niyang wika sa akin.
"Can I visit my cat?" ang paalam ko. Hindi naman siya umimik bago tumabi at naupo sa gilid ng kanyang kama. Dumeretso naman ako kay Midnight. Ayoko siyang buhatin, baka magkamali ako ng dampot at mas lumala ang kalagayan niya. I just started to pet him while he's on his cat bed.
"Sa susunod na pumunta siya rito, just tell her I'm not around," ang saad naman ni Zeus kaya naman napatingin ako sa kanya.
"But she's your mother," tugon ko.
"She is not," he retaliated. "She was never been. I despise her."
"Hindi mo dapat pinagsasalitaan ng ganyan ang magulang mo," ang suway ko.
"Ano bang alam mo?" he argued. "Palibhasa kasi galing ka sa isang masayang pamilyang ini-spoil ka."
"Hindi ako spoiled," ang pagtatama ko.
"Whatever," ang tugon niya. "Just mind your own business."
Nahiga naman siya sa kanyang kama bago kinuha ang kanyang phone. Ipinagpatuloy ko na lang ang pakikipaglaro kay Midnight. Hindi na ako makapaghintay na maiuwi siya at mapakilala siya kay Dipper. "Midnight, bilisan mong magpagaling para makilala mo na si Dipper."
"Midnight? Dipper? What's with the names?" ang nagtataka namang tanong ni Zeus.
"Astronomy," ang tugon ko. "And a bit of cosmology. Topics I'm interested in."
Nang makatulog si Midnight ay tumayo naman ako para lumabas ngunit napatingin kay Zeus na nakatulog na sa kanyang kama. "Zeus," ang pagtawag ko ngunit hindi siya sumagot. Napailing na lang ako bago ibinaba ang blinds ng kanyang bintana. Lumapit ako sa kanya at nakita ang phone niya sa tabi niya. I was to pick it up and place it on his side table when he grabbed my wrist. Natigilan naman ako at napatingin sa kanyang mukha. His eyes are wide open and are staring at me.
"You're really invested in me, aren't you?" ang komento niya. Bigla naman niya akong hinila papalapit. I was caught off guard so I can see his face literally inches away from mine. "If you really want to stay with Midnight; then, just stay here," wika niya. "Take care of me, too."
"W-why would I?" ang reaksyon ko bago lumayo at hinila ang aking kamay. "I-I'll go ahead."
Nasa pinto na ako nang muli niya akong tawagin. "I forgot to thank you."
"For what?"
"For the strawberry shortcake," ang tugon niya sabay ngiti. He was just like another person; a person I'm not familiar with. Napatango naman ako habang nakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...