Chapter 33

637 40 2
                                    

Xian's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xian's POV

To be honest, I don't like being exposed to the public. Kaya naman madali kong tinanggihan ang offer ni Ninong Jaewon na i-train ako sa isang talent agency to become an actor. Kinukulit nga ako ni Mama na i-pursue 'yun but I guess it's not my thing.

"For sure si Ariston ang magta-top diyan," ang wika ni Janzen which we all agreed with. "And Patty."

"Is Patty-nunna thay popular in Montecillo?" ang tanong naman ni Phyrrus.

"I guess so," ang hindi ko naman siguradong tugon. Kilala si Patty, indeed. But she has a... wel, not really nice reputation sa campus. Madalas kasi siyang magtaray. Some students just don't like her dahil na rin sa sobrang close sila ni Ariston. But I have known Patty all my life since sabay kaming lumaki; and just like what I've said before, para nang magkapatid si Ninong Jaewon at si Mama. Kaya naman malapit na sa akin ang mga Park, especially Phyrrus. I guess dala na rin na wala akong kapatid.

Nang matapos kaming kumain ay naghiwa-hiwalay kami. I need to go the School of Law samantalang ang iba naman ay kailangan ding pumunta sa iba't-ibang School dito sa Montecillo. The news about this Faces of Montecillo lead by the Aurum Gazette spread like wildfire. Sinimulan na nga akong i-congratulate ng mga blockmates ko for being nominated.

"Don't vote for me," ang paulit-ulit kong bilin sa tuwing may magco-congratulate sa akin.

"Puwede ba 'yun?" ang reaksyon ng isa. "Ica-campaign ka naming sa buong University."

"Please, don't," paki-usap ko naman bago lumabas ng lecture room. I guess my safe space is Mama's office ngunit kaagad akong natigilan at nanlaki ang aking mga mata nang may makita sa tabi ng pintuan ng opisina niya. A tarpaulin with my face and my name.

Vote for Xian Marceau Mendoza for Faces of Montecillo, it says. Pakiramdam ko ay parang lalabas ang kaluluwa ko from my body nang makita ko 'yun. Kaagad ko naman 'yun linapitan at inalis bago pumasok sa opisina ni Mama.

"What is the meaning of this?" I demanded.

"Why?" ang tanong pabalik ni Mama. "Ayaw mo ba 'yung picture na nagamit?"

"I hate it, in general," ang tugon ko.

"Noted. Magpapa-design na lang ako ng iba," ang tugon niya.

"Don't!" ang protesta ko. "Please."

Napabuntong-hininga naman si Mama. "Nagpapaka-stage Mom lang ako, Xian. Proud nga ako kasi nominated ka."

"Ma, wala naman tayong makukuha even if I top that voting event."

"Meron."

"Huh?"

"Mafe-feature ka and I can have my bragging rights."

"That's unreasonable," I retaliated.

"Well, it's still worth the try," ang tugon niya.

"Just don't do this, Ma," muli kong paki-usap.

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon