Xian's POV
"Ma, kailangan po ba talaga?" ang tanong ko. Kasalukuyan kaming nasa sala ng bahay naming sa Forbes Park. "Hindi na ako bata at puwede naman akong magmaneho papunta ng Montecillo. It's just in Quezon City."
"Xian Marceau Olivar Mendoza," ang pagbanggit ni Mama Xean sa aking buong pangalan. Senyales ito na nauubusan na siya ng pasensya. Pinanood ko naman ang paglapag niya ng hawak niyang tasa ng kape bago tumingin sa akin. "Alam kong hindi ka na bata pero palagi ka na lang nag-iisa. Hindi ka nga naglalabas ng weekend. Okay na rin na sunduin ka nila Patricia nang maka-bonding mo sila."
Napakamot naman ako ng ulo. "Fine," ang pagsuko ko sabay simangot.
"Aba, sinisimangutan ako ng binata ko," ang wika niya bago kinuha ang aking mukha at pinisil ang aking mga pisngi. "Hindi mo na ba mahal ang Mama Xean mo?" ang paglalambing niya. Inalayo ko naman ang aking mukha at nakangiting tumingin kay Mama.
"Siyempre, mahal," ang paglalambing ko naman pabalik.
"Sabay na lang tayo umuwi every Friday," ang suhestyon niya. "Tapos daanan natin ang Daddy Marky mo sa law firm. Kain tayo sa labas, ikaw mamimili."
"Sige," ang excited ko namang tugon. "Ah, Ma. I decided to run as President again," ang paalam ko.
"Kung 'yan ang gusto mo, hindi kita pipigilan," ang pagpayag niya. "But can you just address me as Mama kapag nasa MU tayo?"
Umiling naman ako. "That's not just right, Mama."
"Anak, kahit sa harap ng mga kinakapatid mo, Prof pa rin ang tawag mo sa akin. They're not even Law students."
"Mama, ayoko lang na isipin ng iba na biased ka," ang paliwanag ko naman. Napabuntog-hininga naman siya bago napailing. Natigilan naman kami nang dumating si Daddy Marky.
"Babe, ang aga mo naman yata ngayon?" ang nagtatakang wika ni Mama.
"Sunday ngayon, family day," ang tugon naman ni Daddy. "Isa pa, madalang ko na ngang makita itong anak natin. Should we go out?"
"I'm afraid we can't," ang tugon naman ni Mama. "May court hearing ako mamayang hapon. Susunduin din ng mga anak ni Steve si Xian, magsasabay-sabay silang pumasok ng Montecillo."
"I see. Mag-movie na lang tayo habang narito tayong lahat," suhestyon ni Daddy. "Tapos mag-order tayo ng makakain."
Napatingin naman sa akin si Mama Xean. "What do you think?" ang tanong sa akin ni Mama. Ngumiti naman ako at tumango.
"Ako na ang o-order," ang wika ko sabay labas ng aking phone.
"Dagdagan mo na at parating na rin ang mga kapatid mo," ang tukso niya.
"Huh? Sino?"
"Sila Patrick, Patty, at Phyrrus," tugon naman niya.
"Ma, no way," ang reaksyon ko. "Masyadong maarte si Patty, Patrick naman... I dunno how to describe him, and si Phyrrus... well, he's okay."
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Ficção AdolescenteXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...