Xian's POV
Hindi nga nagtagal ay nagsimula na ang Archery Competition. Naghiwa-hiwalay kami para puntahan ang kanya-kanya naming events. The competition was really tight. I had faith with my members and hindi naman nila ako binigo. Most of us placed first sa aming individual events. For most of us, tapos na ang kalbaryo pero ang ilan sa amin ay kailangan pang pumunta ng Saint Anthony University para sa field archery. Since meron silang sariling Forest Park and they are the only University that offers Forestry program; doon gaganapin ang huling event.
"Congratulations," ang pagbati ko kay Perry who won First place sa target archery competition. "I know I can count on you."
"Of course, maliit na bagay," ang tugon niya. "Ipapahiya ko ba naman ang Montecillo?"
Tipid naman akong ngumiti at tumango.
"Prez!" ang pagtawag ng isa sa mga kasama namin. "Si John! Hinimatay!"
"H-ha?" ang gulat kong reaksyon. "Anong nangyari?"
"Na-heat stroke, Prez. Dinala na siya infirmary."
"Paano na 'to?" ang tanong ko sa aking isipan. Kasama ko pa naman siya sa Field Archery. Napatingin naman ako kay Perry.
"Come with us," ang wika ko. Napakurap naman siya. "Partner with me sa Field Archery."
"Wait, tapos na ang event ko," reklamo niya.
"Please," ang paki-usap ko. "For Montecillo and for uhm... your Ari-bebe."
"Fine, I'll go," ang pagsuko niya. "Even though you and Saint Anthony don't deserve me."
Tinawag ko naman ang iba pa naming kasama para sumakay sa shuttle van ng Montecillo. Nang makompleto kami ay bumyahe na nga kami papunta sa Saint Anthony.
SINALUBONG kami ng event organizers pagkababa naming ng van.
"Wow," ang kaagad nilang reaksyon nang makita kami. "Iba talaga ang Montecillo University. Anyway, this way."
Nasa Athletic Field kami ng Saint Anthony at may mga naka-set up na tents para sa bawat University na kasali; siyan na pamantasan ang kasali ngayon sa University Meet. Lahat naman ay napatingin sa aming direksyon nang makarating kami. Napatingin ako sa mga logo na nakadikit sa bawat tent; Manila State University, Philipine Technological University, University of the Orient Seas, University of the Sacred Heart, Juan Ignacio Memorial University, San Augustin University, Saint Anthony University, Richmond University, and of course, Montecillo University.
"Prez!" ang pagtawag ng iba pa naming kasamahan sa Montecillo na narito para sa kanilang event. "Emergo, Montecillo!"
"Emergo, Montecillians!" ang tugon ko sabay taas ng aking kamao.
"Extra pogi naman ng Captain ng Montecillo Royal Archers," ang komento ng isang pamilyar na tinig kaya napalingon ako. It's Patty. I almost forgot na she's here for the exchange program between Montecillo and Saint Anthony.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...