Xian's POV
"Sandali lang!" ang biglaan namang bulalas ni Patrick. "Nakalimutan kong ilagay 'yung cat earphones ko sa bag."
"May kailangan din pala akong kunin!" ang wika naman ni Phyrrus bago sumunod.
"Dalian niyo! Or else, I'll tell Dad to leave the both of you," ang sigaw ni Patty. Napatingin naman ako sa soccer field
"Xian," ang pagtawag sa akin ni Patty. Napatingin naman ako sa kanya.
"Yes, Patty?"
"Come here," pagtawag niya sabay turo sa kanyang tabi. Nakaupo kasi siya sa may fountain. Sumunod nga ako. "Xian, why do you insist in calling Mama Xean as Prof?" ang out of the blue niyang tanong. "Oh, my gosh! Is that a Gucci necklace?" She's always like this, distracted by clothes and accessories. No wonder Fashion Design ang kinuha niyang course. Napatingin naman ako sa aking suot na kuwintas.
"Ah, yeah. Pasalubong ni Mama at Daddy nang magpunta sila sa Italy for their wedding anniversary last year."
"It looks good on you. Anyway, going back..."
"It's just the right thing to do," ang simple kong paliwanag. "Ayoko lang na... sabihin ng ibang tao na biased si Mama sa akin kasi anak niya ako."
"Mama Xean is not like that," ang komento niya. "Geez, Xian. Stop being like that."
Ngumiti naman ako at tumango. Alam ko naman 'yun. I'm just worried sa sasabihin ng ibang tao sa kanya. All throughout my life, pakiramdam ko I tarnish his reputation. Kaya naman nagpupursige ako na maging mabuting tao para sa kanya. So, people won't say something bad because of me.
"Xian," ang pagtawag ng isang pamilyar na tinig; kapwa naman kaming napatingin.
"Dad," ang wika ko nang makita siya. "Hindi ko po alam na pupunta ka ngayon."
"Maaga akong natapos ngayon sa law firm at gusto ko kayong sunduin ng Mama mo," ang paliwanag naman ni Daddy. "It feels a bit lonely, arriving home without you two."
"Aww," ang reaksyon naman ni Patty. "You guys are the cutest!"
"I'll just get some of my textbooks," ang paalam ko kay Dad.
"Samahan na kita," ang wika naman ni Dad.
"Uhm, sige," ang pagayag ko. Kapwa naman kami nagpaalam kay Patty na naiwan sa fountain. Nakasalubong naman naming sila Phyrrus na yumakap naman kay Dad at si Patrick na nagmano. Pagkatapos ng maikli nilang pagkikipagkamustahan ay nagtungo kami ni Dad sa aking silid. Kinuha ko naman ang backpack ko at linagay ang ilang textbook at kumuha na rin ako ng isang jacket. "Let's go, Dad."
Magkasunod naman kaming lumabas ng aking silid. "Kailangan mo ba ng tulong sa bitbit mo?"
"Dad," ang reklamo ko. "I can manage and you're not growing any younger," ang komento ko.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Novela JuvenilXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...