Xian's POV
Muli akong bumalik ng dressing room nang matapos kami ni Ariston para sa cover ng magazine. Natigilan naman ako nang makita si Zeus. Ngayon ko lang nakita kung gaano siya kaguwapo at ngayon niya napatunayan na he deserves his spot.
"Stop falling in love with me," ang mahangin niyang sinabi sa akin.
"Oh, I'm just surprised na puwede ka palang magmukhang tao," I replied bago siya iniwan. Nagpalit naman ako ng damit with the help of Mama. "Ma, gumastos ka na naman," ang komento ko habang nakatitig sa tag ng isa sa mga damit na binili niya."
"Of course," ang tugon niya. "Everything for my bebe Xian."
Napangiti naman ako. "Thanks, Ma."
Napansin ko namang tumayo si Zeus at bigla na lang lumabas ng dressing room. Hindi ko naman na siya pinansin at itinuon ang aking atensyon sa pagpapalit. "Hindi ka pa rin ba uuwi this weekend?"
"I'm afraid, I can't," ang tugon ko naman. "Kailangan ko pang alagaan si Midnight hanggang sa maka-recover siya."
"Kamusta kayo ng vet ni Midnight? Ano na ulit pangalan niya?"
"Zeus," tugon ko. "Narito lang siya kanina. Yung naka short sleeved polo."
"Siya? In fairness, anak," ang wika ni Mama. "Guwapo."
"And siya yung anak ni Mrs. Imperial," dagdag ko pa.
Pagkatapos ng group shots ay ang individual shots naman. Karamihan naman sa amin ay natapos na ang kanilang shoot. Since I'm not going home over the weekend, I decided na pagkatapos na lang ng group shots ako kuhanan. Kuya Trace agreed even though it means na baka late na kaming matapos.
"Let's head out for dinner," ang wika ni Dad pagkatapos ng shoot. "And then, ihatid ka na lang naming pabalik."
"Okay, Dad," ang pagpayag ko. Umuwi na ang lahat ng kasali sa Faces of Montecillo maliban na lang sa akin dahil ako ang pinakahuling kinuhanan. Nakita naman namin si Zeus sa parking area. He's leaning against his motorcycle and busy with his phone.
"Why don't you invite your friend?" ang suhestyon ni Mama.
"He's not my friend," ang tugon ko. "Never was and never will."
"Nonsense," Mama replied. "Hijo!" pagtawag niya sa atensyon ni Zeus. "Zeus!" Natigilan naman si Zeus at napatingin.
"Y-yes po, Prof?" ang nagtatakang tanong ni Zeus.
"Akala mo naman kung sinong mabait," ang inboluntaryo kong nasabi. Napatingin naman sa akin si Dad kaya kaagad akong tumalikod.
"We're about to have dinner," ang paliwanag ni Mama. "Come with us since kaibigan ka naman ni Xian."
"A-ah, hindi na po," ang pagtanggi ni Zeus bago napatingin sa akin.
"Yeah, he's busy," ang dagdag ko.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...