Chapter 20

747 44 6
                                    


Xian's POV

Sumakay na lang ako ng bus patungo sa unang klase ko sa School of Law. Ngunit bago ako nagtungo sa aking klase ay dumalaw muna ako sa opisina ni Mama. Nadatnan ko naman siya na naghahanda para sa klase niya.

"Good morning Ma," ang pagbati ko pagkatapos maisara ang pinto.

"Good morning, anak," ang masaya naman niyang pagbati sa akin pabalik bago napatingin sa aking direksyon. "Oh, are you alright?" ang nagtataka naman niyang tanong. "Bakit ka nakasimangot?"

"It's nothing," tugon ko. "I just needed to deal with someone this morning."

"Sino? Sinaktan ka ba?"

"Don't worry, Ma. He just annoyed the hell out of me," paliwanag ko. "Anyway, papunta rin ako sa klase ko."

"Bago ka umalis, may pinabibigay ang Daddy mo," ang wika ni Mama.

"Apple juice?" ang hula ko.

"Kilala mo talaga ang Daddy mo," ang nakangiti niyang komento.

"But Ma... hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit apple juice ang palagi niyang pinapainom sa akin."

"Mahilig lang talaga sa mansanas ang Daddy mo," paliwanag niya.

"Seems like," ang tugon ko sabay ngiti. Kinuha ko naman ang bag na may lamang apple juice at nagtungo sa aking klase.

Naging normal naman ang mga sumunod na oras ko sa School of Law.

"Good morning, Prez!" ang bati ng ilang estudyante nang lumabas ako ng lecture room. Isang matipid na ngiti naman ang aking ginaganti sa kanila. Sa School of Liberal Arts pa ang aking susunod na klase which is Foreign Language. Required kaming kumuha ng ganitong subject kapag sumapit kami ng Third Year. Montecillo University offers a ton of foreign languages but I took Korean language as a subject. May dalawa kasi akong dahilan kung bakit. Una, komportable ako dahil nga minsan na kaming nanirahan ni Mama sa South Korea. Pangalawa, si Ninong Jaewon ang nagtuturo sa subject na 'yun. And Ninong Steve and Mama Xean are close like real siblings.

Naghintay naman ako ng bus na masasakyan pagkarating ko ng waiting shed. I was checking my phone when a certain motorcycle stopped in front of me. Napatingin naman ako. "Excuse me," ang pagtawag ko. "You can't park there," ang paalala ko. Inalis naman ng rider ang kanyang suot na helmet at lumingon sa akin. "Zeus?"

"Hindi ako nagpa-park," ang tugon niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" ang tanong ko.

"May sinusundo ako," ang tugon naman niya.

"Well, pakisabi sa kung sino mang hinihintay mi na magmadali," ang utos ko. "You'll cause traffic in the campus."

"Wala akong contact number niya," tugon niya na nagpakunot ng noo ko.

"Then, park your motorcycle at the parking area," ang wika ko. "MU Buses lang ang puwede riyan."

"Then, hop in."

"W=what?!" ang reaksyon ko. "No!" kasunod ng aking pagtanggi.

"Prez," ang malakas niyang pagtawag sa akin. "Sakay na. Di ba nagpapasundo ka?" Napatingin naman ako sa paligid. May mga estudyanteng nakamasid sa amin. "You don't want to cause any traffic, right?" ang tanong niya bago pilit na inaabot ang extra helmet. Napatitig naman ako doon, nagtatalo pa rin ang aking isipan but soon enough he'll cause traffic. Kinuha ko naman ang helmet at sinuot 'yun. "I don't know what you're into but I swear to God—"

"Just hop in, will you?" ang pagputol niya sa aking sasabihin. Sumakay naman ako.

"Take me to—" hindi na naman niya ako pinapatapos at nagsimula siyang magmaneho. Kaagad akong napaisip kung saan niya ako dadalhin. Sigurado naman akong kaya kong protektahan ang aking sarili.

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon