Xian's POV
Pagkalabas ko ng Animal Hospital ay bumalik ako sa School of Law para ibalik ang susi ng sasakyan ni Mama. Wala siya sa kanyang opisina so I assumed he's teaching. Iniwan ko ang susi sa mesa niya and left a note. Since may isang oras pa pala before lunch ay nagtungo na lang ako sa VIP lounge sa Library para manghiram ng ilang libro at magbasa. Napatingin ako sa nakapatong na Tshirt sa mesa, 'tung kinuha ko kay Zeus.
"He's crazy," ang bulong ko habang nakamasid sa damit. He's so petty. Kailan kaya siya mapapagod sa ginagawa niyang pangbwibwisit sa akin? Napabuntong-hininga naman ako nang maalala ang nangyari kanina. Napahawak ako sa aking mga labi. Why is it in my mind? "His lips are soft though," ang wika ko sa aking isipan. "Wait! Ano ba 'tong naiisip ko?"
Wala namang kahalugan 'yun. Tama, I shouldn't be bothered. Naalala ko rin naman ang pusang itinakbo ko sa ospital. I'm just hoping na walang gawing masama ang kampon ng demonyo sa kawawang nilalang. Natigilan naman ako nang mag-vibrate ang phone ko. I picked it up and looked. Si Janzen, hinahanap niya ako. Sinabihan ko siya na nasa VIP lounge ako. Pumayag na lang ako nang sabihin niyang susunduin niya ako para magsabay kami papunta sa cafeteria. Sinimulan ko namang ayusin ang mga libro at binalik sa shelves. Nang makapag-ayos ay lumabas ako ng VIP lounge at pumunta sa lobby. Hindi naman nagtagal ay nakita kong pumasok si Janzen sa library. Kaagad naman akong lumapit sa kanya.
"Tara," ang nakangiting yaya niya. Tumango naman ako. Sabay kaming lumabas ng library. Sinundan ko naman siya dahil hindi ko alam kung anong klaseng sasakyan ang gamit niya. He stopped in front of a Chevy Corvette.
"Not bad," ang wika ko. Napaisip naman ako. Close din ang parents namin pero we never bonded but ganoon din naman ang sitwasyon ko sa karamihan ng mga kinakapatid ko. Only the Parks are clingy kasi, maliban na lang si Patrick na halos kasing introverted ko. Ang rinig ko pa ay naging ex ni Ninang Addie ang Dad ni Janzen na si Ninong Juancho. Sumakay naman ako sa passenger's seat. "Xian, mas gusto mo bang kumain na lang sa labas? ang tanong niya sa akin. "I mean, iniiwasan mo naman si Zeus, hindi ba?"
"I do pero kailangan ko siyang makausap ngayon," ang tugon ko.
"O? Bakit parang biglaan?" ang nagtataka naman niyang tanong.
"May nangyari kasi kanina," ang paliwanag ko. "May natagpuan akong pusa na nabundol ng bisekleta. Tapos tinakbo ko sa ospital. Funny enough, si Zeus ang naroon. But I still don't trust him."
"Ah, kaya naman pala," ang reaksyon niya. "pero... uhm, sa susunod?"
"Anong sa susunod?" ang tanong ko pabalik.
"Sa labas tayo kumain," ang paglilinaw niya.
"Sige," ang pagpayag ko kaya naman napangiti siya at tumango. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa cafeteria. Inikot ko ang aking mga mata ngunit wala pa si Zeus. Pumila naman kami ni Janzen at kumuha ng makakain. Naghanap naman kami ni Janzen ng mauupuan.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...