Chapter 38

625 43 5
                                    

Zeus' POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zeus' POV

"Hey!" wika ng isang tinig sabay batok sa akin ng kung sino man. Kaagad naman akong napatingin; si Yuki. "Problema mo?" kaagad niyang tanong. Sinalampak ko naman ang noo ko sa mesa. Kasalukuyan kaming nasa isa sa mga parke malapit ng School of Veterinary Medicine. Napabuntong-hininga naman ako.

"Bro, my mind is so effed up," ang wika ko.

"Bakit? Anong nangyari?"

"Si Xian," ang tugon ko.

"Sinaktan ka na naman ba? Tambangan na natin?"

"Hindi, hindi." Inayos ko naman ang upo ko at napatingin sa kanya. "Bro, sobra akong nalilito."

"Bro, nalilito rin ako," ang tugon niya. "What's the beef between you and the SSG President?"

"I think I like him," ang pag-amin ko.

"Y-you what?!" ang gulat naman niyang reaksyon.

"I know," ang tugon ko sabay tango. "I feel comfortable around him."

"Komportable ka rin naman sa amin, hindi ba?" ang tanong niya. "But ibig sabihin ba niyon na may gusto ka rin sa amin?"

"Tama," ang pagsang-ayon ko sabay tawa. "Tama."

"Ikaw? Magkakagusto sa asungot na 'yun? Alam mong sagot diyan?" ang tanong niya sa akin.

"Ano?"

"Babae," ang tugon niya sabay tawa. "May ka-blind date ako mamaya. May isasama raw na kaibigan kaya kailangan kong magsama ng isa pa. Sama ka na, bro."

"Asus, tatanggi ba naman ako sa mga ganyang bagay?" ang tugon ko. "Ang mga poging katulad ko, dapat hindi pinagkakait sa iba."



Xian's POV

The start of this week is tad crazy. Sobrang lapit na ng University Meet; so, I need to coordinate with the other SSG Officers of the other Universities kaya naman pagkatapos ng mga klase ko ay diretso ako sa SSG office para i-review ang mga plans para sa malawakang event.

"Janzen," ang pagtawag ko.

"Yes, Prez?" ang kaagad naman niyang tugon.

"Please, give the Team Captains the schedule for the University Meet. Eric, please make sure na matapos yung printing ng tarpaulin for the University Meet by today. Naka-care of sa Aurum Gazette."

"Sure, Prez," ang kapwa naman nila sagot. Kailangan ko na ring mag-appoint ng mga kasali sa Archery Competition na gaganapin sa iba't-ibang venue. "I'll leave the rest to you. Kailangan ko na ring pumunta ng Archery Club to practice."

Lumabas na nga ako ng SSG Office at dumeretso sa Institute of Physical Education and Sports para magbihis. It was a relief that nasa right timing ang pagsipot ni Perry. "Guys, huddle up," ang pagtawag ko sa kanilang atensyon. Natigilan naman sila sa kanilang ginagawa at napatingin sa aking direksyon. "As all of you know, malapit na ang University Meet. So, I will be appointing each one of you sa archery events."

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon