Chapter 13

755 49 11
                                    

Xian's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xian's POV

Napapikit ako ng mga mata. Kasalukuyan kaming nasa University Theatre at hinihintay ang resulta ng botohan para sa mga nanalo sa SSG Elections. I wasn't able to sleep last night. To be honest, I feel a bit worried. There are only possible things that can happen today. Una, ang manalo na nangunguhulugang pinagkakatiwalaan ako ng mga kapwa ko Montecillians. Pangalawa, ay ang matalo at isa lang ang ibig sabihin niyon, ang hindi ko nagampanan ng maayos ang aking tungkulin bilang SSG President.

Ang ingay mula sa mga estudyante sa University Theatre ay unting-unting humina. All their voices turned into muffled sounds.

"Huwag kang makipagkaibigan diyan," ang rinig ko mula sa aking nakaraan. "Mga makasalan ang magulang niyan... Paanong lalaking matino 'yan? Eh, hindi matino ang pamilya..."

"Xian," ang pagtawag ng isang tinig kaya naman napamulat ako ng mga mata. Bumalik ang ingay mula sa mga estudyanteng nasa University Theatre sa aking pandining. Napalingon naman ako at kaagad na nakita si Xander. "Are you alright?"

Tumango naman ako. "I just feel a bit nervous with the results," ang saad ko bago napatingin sa iba naming kasama sa partylist. Nginitian naman ako ni Janzen nang magtama ang aming mga tingin. Tumango naman ako bilang tugon. Ang iba naman ay nakikipagkwentuhan sa iba samantalang si Deyanne ay tahimik lang sa kanyang kinauupuan. I guess she's also feeling the same way as me.

Hindi nga nagtagal ay nagsimula na ang announcement ng mga nanalo sa SSG Elections. Nagsimula ang announcement mula sa pinakamababang posisyon. So, it's hella nerve racking for me.

Hindi naman ako binigo ng mga kasamahan ko. Everyone in my partylist won. Hinawakan naman ni Xander ang aking balikat sabay sabing, "You got this."

Do I? Negative thoughts started to fill up my mind. Paano kung ako lang sa partylist namin ang hindi nanalo? Napatingin naman ako kay Mama na nasa gilid ng stage at mukhang kanina pang nakamasid sa akin. He raised his fist and mouthed, "Fighting, anak."

And that alone made me feel bit at ease. Kanina ko pa pinaplano kung anong gagawin ko kung hindi ako na-reelect.

"For the position of President," ang anunsyo ng host. "From Partido Liberal, Xian Marceau Mendoza." Pagkaanunsyo ng aking pangalan ay ang paglitaw naman nito sa screen kasama ang aking larawan. Nagsimula namang magsaya ang lahat ng estudyante sa University Theatre. I released a sigh of relief as I nodded. "It's a landslide victory for Partido Liberal! May we request everyone in the partylist to come up on stage. I proudly stood up along with my co-officers and led them to the stage. They asked me to deliver my speech so I went to the podium. Natahimik naman ang lahat. I could feel all eyes are on me.

"First of all, thank you," ang pagsisimula ko. I delivered the speech that I have prepared. "Thank you for trusting my leadership for the second time. I along with my co-officers will deliver and continue to make Montecillo University a safe and comfortable place for us. Emergo, Montecillo!"

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon