Chapter 22

683 41 12
                                    

Xian's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xian's POV

Inayos ko ang pinagkainan ko sa return area at habang ginagawa 'yun ay may nagsalita mula sa aking likuran.

"Sa tingin mo, maiiwasan mo ako?" ang tanong niya kaya naman natigilana ako at humarap sa kanya.

"Seriously, what are you really trying to do?" ang naiinis kong tanong. Napangiti naman siya bago tumitig sa aking mga mata. Nakipagtitigan naman ako sa kanya.

"It just amuses me to make you feel annoyed," paliwanag naman niya. "Ngayon alam mo na ang pakiramdam."

"You're so petty," ang komento ko. "If this is all abot Sigma Omega Pi, you better stop dahil wala kang mapapala sa akin. It makes me want to look into your fraternity more. Ano bang meron doon, ha? You're all bunch of nuances."

"Wala kang karapatan para pagsalitahan sila ng ganyan," ang pagalit niyang wika sa akin.

"I'm just stating facts, Zeus," tugon ko. "You and the rest of Sigma Omega Pi are all eyesores dito sa Montecillo."

"Say that again," ang hamon niya.

"And what?" ang tanong ko pabalik. "Sa tingin mo ba ay natatakot ako sa'yo? I said what I've said."

Bigla na lang niyang hinablot ang aking kuwelyo ngunit hindi ako nagpatinag.

"Zeus," ang pagtawag ni Paulo. Napatingin naman kami sa kanya. "Anong ginagawa mo?" ang gulat niyang reaksyon. Sa mga oras na 'yun ay nakuha na naming ang atensyon ng iba pang estudyante sa mga oras na 'yun.

"Let him go, Zeus," utos naman ni Joachim.

"This is just the start," ang wika ni Zeus bago ako bitawan. Kaagad ko namang inayos ang suot kong Archery uniform. I smirked.

"Bring it on," ang hamon ko pabalik. Ngumiti naman siya pabalik.

"Then, prepare for the worst," ang tugon niya bago ako lagpasan. Sumunod naman sa kanya ang ibang SOP members.

"Xian," ang pagtawag ng isang boses. Napalingon naman ako. Si Kuya Vince, ang Team Captain and Lead Choreographer ng Montecillo Royal Army Dance Troupe. Palagi ko siyang nakikita sa mga events ng Montecillo. Malapit din sila ni Phyrrus since he's a member. "Okay ka lang? Nakita ko 'yung nangyari."

"Okay lang ako, Kuya," ang tugon ko. "Papunta ka na ng dance rehearsals?"

"Kagagaling ko, actually," ang tugon niya.

"Si Phyrrus?" tanong ko.

"Papunta na rin. May nadaanan sa campus store kaya nahuli."

"Let me guess... ice cream?"

"Tama," ang tugon niya sabay tawa. Napatango naman ako.

"Anyway, I need to go na, Kuya Vince."

"Are you sure you're all right?"

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon