Chapter 23

667 39 6
                                    

Xian's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xian's POV

Nagising ako na mas maaga sa aking nakasanayang oras. Kaagad kong dinampot ang aking phone upang patayin ang naka-schedule na alarm ngayon. Bumaba ako ng kama at hinila ang blinds. The sun is about to rise. Since medyo madilim pa ay binuksan ko ang night lamp bago inayos ang aking kama. It's too early to do anything kaya naman I decided to do some exercise outside. Nagbihis ako saglit bago ako lumabas ng dorm at nag-jog patungo sa Institute of Physical Education and Sports. Dumeretso naman ako sa Archery Club at kinuha ang ilan kong gamit. Napagdesisyunan kong mag-ensayo na rin para sa paparating na University Meet.

Natigilan naman ako nang makasalibong ko si Sir Aljon Sandelaria, ang Direktor ng Institute of Physical Education and Sports.

"Oh, Mr. Mendoza. Napakaaga mo namang mag-practice," ang komento niya. "Hindi pa ba sapat ang archery practice niyo ng hapon?"

"Actually, maaga po akong nagising," paliwanag ko. "I want to spend my time wisely bago ang almusal."

"Ikaw talaga, katulad mo talaga ang Mama mong workaholic," komento niya. "Hinay-hinay lang, hijo. Minsan ka lang mabuhay, at minsan lang din daraan ang kabataan mo. Enjoy lang." Matipid naman akong ngumiti at tumango to acknowledge his advice. "Osiya, mag-ensayo ka na."

"See you po," paalam ko naman bago nagtungo sa field. Nag-inat muna ako bago ayusin ang dala kong equipment. Ramdam ko ang mahinang ihip ng hangin sa aking mukha. Inasinta ko naman ang target sa di kalayuan bago hinila ang pana at pinakiramdaman ang paligid. After a while, I finally released the arrow. The string of the composite bow made a sound and it's soothing for me.

Muli akong kumuha ng pana at inulit ang pag-asinta sa target. Tumama naman ito sa bull's eye. I felt satisfied kaya naman napangiti ako at napatango. Kaagad naman akong napalingon nang makarinig ng palakpak.

"Iba talaga ang Captain ng Archery Team," ang puri ni Kuya Vince sabay lapit sa akin. "For sure, champion na ang MU sa Archery events."

"I can't deny that my members are not a force to be reckoned with," ang wika ko. "But it's not an excuse for us para mag-relax."

"Sa bagay, mahirap kalaban ang Richmond," tugon niya. "At palakas ng palakas ang Saint Anthony every year. Pakiramdam ko nga magiging kompetisyon ng Royal Army ang Souls."

"Kaya ka ba rin maagang pumunta rito para mag-practice?" ang tanong ko.

"Not really," tugon niya. " nag-record lang ako diyan sa tabi-tabi ng dance cover."

"Ng ganitong oras?"

"Why not? Kakaunti lang ang tao."

"Hindi ba palagi ka namang nagpe-perform sa harap ng maraming tao?"

"Yeah, but with a group."

Napatango naman ako. "Kuya Vince, hindi tayo close pero... can I ask you a favor?"

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon