Chapter 19

674 44 5
                                    

Xian's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Xian's POV

It's been days since that kidnapping incident. I recovered quickly knowing that I can still see everyone. Naging malaking tulong din ang pagsugod sa akin ni Dad sa private psychologist ko pagkatapos ng nangyari. I'm just trying to forget what happened.

Kasalukuyan akong papunta sa University cafeteria to eat breakfast. Natigilan naman ako nang makita si Zeus na nakasandal sa tapat ng kuwarto ko. Nakatupi ang kanyang mga kamay at nakatitig sa akin. Kaagad na napakunot ako ng noo. It's the first time seeing him there.

"Anong ginagawa mo riyan?" ang tanong ko. Napangisi naman siya.

"Bakit? Bawal ba akong tumambay sa hallway?" ang tanong niya pabalik.

"Hindi," ang kaagad ko namang sagot. "Ang sakit mo sa mata."

"Sa guwapo kong 'to?" ang pagbubuhat niya naman sa kanyang sariling bangko. "Sigurado ka ba?" ang panunukso niya pa bago inangat ang kanyang suot na T-shirt. "Ang init," ang wika niya. Napatingin naman ako sa bahagyang litaw ng kanyang pinagmamalaking abs. "Liking the view?"

Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin. "Kabagin ka sana," I replied before leaving him. Naramdaman ko namang sumunod siya. Natigilan naman ako at lumingon sa kanya. "Are you following me?" ang naiinis kong tanong.

"No," pagtanggi naman niya. "I'm on my way to the elevator," wika niya. Napaikot na lang ako ng mga mata bago ipinagpatuloy ang paglakad patungo sa elevator. I was about to reach for the button when an arm brush past mine and pressed it.

"This guy!" wika ko sa aking isipan. Kaagad naman akong napalayo nang makitang nalakalapit ng kanyang mukha sa akin. I can literally feel the warmth of his breath.

"So, I heard that wala ka pang girlfriend," komento niya habang palalapit sa akin.

"And I never heard na tsismoso ka pala," komento ko pabalik. "I didn't know you snoop in other people's life."

"Why so mad?" ang tanong naman niya habang inilalapit pa rin ang kanyang sarili sa akin. I started to step back. "Could it be you're into guys?" sunod niyang tanong. Ramdam ko na ang elevator sa aking likuran. I felt flustered by the proximity between us.

"I—uh," ang nauutal kong saad. He then places his hand beside my head as his face drew closer.

"I...uh," ang panggagaya niya habang mapaglarong nakangiti. "Do your friends know? Or you're just another case of someone who's hiding in the closet?"

"It's none of your business," ang wika ko sabay hawak sa kanyang dibdib upang itulak siya papalayo. But when I was about to, the elevator door opened. I fell butt first in the elevator. "The hell!" ang sigaw ko dahil sa gulat at sakit na aking naramdaman dahil sa pagkakabagsak ko. Tinapunan ko naman ng masamang tingin si Zeus. Hindi naman siya nagpatalo at tumitig din sa akin pabalik.

"What?" ang tanong niya. "Is it my fault?" ang tukso niya. I know he did this on purpose. "Mag-ingat ka," ang bilin niya sabay alok ng kanyang kamay. Kaagad ko namang itinulak 'yun palayo at madaliang tumayo. Pinindot ko naman ang ground floor button bago lumayo sa kanya. "You look pale," ang komento niya ngunit hindi ko naman siya pinansin. The best way to deal with the likes of him is to ignore. "I think it's a nice day to walk."

Nanlaki naman ang mga mata ko nang sinimulan niyang pintudin ang bawat elevator button. "What are you doing?" ang gulat kong tanong.

"Enjoy the elevator ride, Prez!" ang wika niya bago sumaludo sa akin. Pagkabukas naman ng elevator sa ikaanim na palapag ay lumabas naman siya at nagtungo sa direksyon ng hagdanan.

"Zeus!" ang galit kong pagtawag kasabay ng pagsara ng elevator. "This jerk!"

I'll punish him.

But wait...

I can't. Wala naman siyang linabag na rule. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang hintayin ang mabagal na pagbab ng elevator dahil sa kakabukas nito sa bawat palapag. Sobra na akong nayayamot sa ginawi ni Zeus. What the hell did he eat?

I tried my best not to get affected by that guy. I just headed to the cafeteria. Hindi ko makita si Xander kaya naman sa tingin ko ay mag-isa akong kakain ngayon... but that doesn't bother me at all. I fell in line and looked at the menu. Nang makuha ko ang akong pagkain ay nagtungo naman ako sa beverage area. Tiningnan ko ang loob ng chiller. I opened it when I saw the last bottle of apple juice. I was about to reach it when someone picked it up. Natigilan naman ako at napatingin. It's effin' Zeus!

"Thanks," ang mapanukso niyang pasasalamat.

"That's mine," ang tugon ko.

"Oh?" ang reaksyon naman niya. "Wala ka namang pangalan dito?" ang wika niya sabay tingin sa plastic bottle. "See?"

"I was about to get that," I retaliated.

"How would I know? Ang bagal mo kasing gumalaw," ang wika niya. "If you want, we can share."

"Just take it," ang pagsuko ko bago kumuha ng canned coffee. Nnag maisara ko ang chiller ay naghanap ako ng mauupuan. May empty table naman sa malapit kaya doon ako naupo. Nagsimula naman akong kumain. Then, Zeus just sat on the chair in front of me. Napatingin ako sa paligid. There are empty tables. Sa isang banda pa nga ay ang ibang miyembro ng Sigma Omega Pi. Ang ibang estudyante ay napatingin sa aming direksyon. Tinapunan ko naman si Zeus ng masamang tingin. "Nananadya ka ba talaga?" tanong ko sa kanya.

"Oo," ang tugon niya. "Hindi ba sinabi ko naman sa'yo? I'll make your life a living hell."

"So, this is how you're going to play, huh?" ang komento ko.

"Effective naman, 'di ba?" ang nakangiti niyang tanong.

"Good luck," ang tugon ko bago ipinagpatuloy ang aking kinakain. Napatingin naman ako sa bottled apple juice sa tabi ng food tray niya. Tumayo naman ako at kumuha ng dalawang baso. Linagyan ko ng yelo ang bawat baso bago bumalik. Inilapag ko ang isa sa tapat niya. Natigilan naman siya at nagtatakang napatingin sa akin.

"You said we can share that," ang wika ko sabay tingin sa apple juice. "Too hot, isn't it?" ang sunod kong tanong. "Heto, more ice." Inilipat ko ang lamang yelo ng baso ko sa baso niya. Lagpas kalahati na ng kanyang baso ay yelo. I picked the bottled juiced up and filled his glass. Kaunti lang ang nabawas sa bote. Inilagay ko naman ang natirang laman sa sarili kong baso. I looked at him and smiled. "Enjoy."

Sarkastiko naman siyang ngumiti pabalik. Hindi ko naman na siya pinansin at ipinagpatuloy ang aking almusal. Itinabi ko naman ang ilang piraso ng gulay sa tabi. Tulad nga ng inaasahan ko ay napansin naman ni Zeus 'yun. "Kaya nga nagiging maputla," komento niya sabay lagay ng lahat ng gulay mula sa kanyang food tray. I didn't say anything and just silently continued eating hanggang sa gulay na lang talaga ang natira.

Nagkatinginan naman kami ni Zeus. Binalingan ko naman ng tingin ang mga gulay at sinimulang kainin ang mga 'yun. "Saved the best for last. Vegetables are my favorite," ang tukso ko bago nag-ayos at binuhat ang food tray. Kaagad naman siyang sumunod. Huminto naman ako at humarap sa kanya.

"Kung talagang plano mong asarin ako, just do it," ang hamon ko. "But I swear, I can put up a good fight."

"Tingnan na lang natin kung sinong magiging luhaan sa dulo."

"Definitely not me," tugon ko. "Thanks for the drink... and vegetables."

Tuluyan ko na nga siyang iniwan. Hindi ko alam kung anong nakain niya but I won't tolerate him. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon