Xian's POV
"Good afternoon," ang pagbati ni Mama nang pumasok siya sa SSG Office. It's already our second week of being the SSG officers. And we are still laying plans sa first project namin. Kaagad naman akong napatayo.
"Good afternoon, Prof," ang pagbati naming lahat sa kanya.
"Is everybody here?" tanong ni Mama.
"Yes, Prof," ang pormal kong tugon.
"Good," ang wika niya. "Have a break first. Mag-meryenda muna kayo."
May pumasok namang delivery man bitbit ang ilang paperbag. Kinuha naman 'yun nila Xander at Amira.
"Hala! Salamat, Prof!" ang pasasalamat ni Deyanne. "Hulog ka talaga ng langit hindi katulad ni Prez na parang sugo ni Satanas."
Natawa naman ang lahat nang marinig ang sinabi ni Deyanne. "Say what again?" ang kunot-noo kong tanong.
"Masyado ka bang pinapahirapan ng SSG President natin?" ang nakangiting tanong ni Mama sabay sulyap sa akin.
"Hindi naman po masyado," ang tugon ni Deyanne. I don't know what does that even mean.
"Xian," ang marahan namang pagtawag sa akin ni Mama. "take care of your juniors, alright?"
"Huwag po kayong mag-alala, palagi naman pong may paayuda si Prez pagkatapos niya akong gawing si Princess Sarah."
"So, sino ako? Si Lavinia?" ang tanong ko.
"Ikaw nagsabi niyan," she twisted my words. "Hindi ako, Prez."
"Puwes, ikukulong kita mamaya sa storage room," ang tugon ko. "Magbalat ka ng patatas!"
Natawa naman sila sa sinabi ko. "Sige, Prez. Basta kasama si Sweetie Pie Tunton, siya ang Prince Cedie ng buhay ko."
"Huy, ibang palabas 'yan," ang komento ni Amira.
"Ah, basta. Gets niyo naman 'yung point ko," tugon ni Deyanne bago ilabas ang mga pagkain mula sa paper bag. "Hala, mukhang mamahalin itong pagkain! Salamat po talaga, Prof!"
"Of course, anything for my son," ang komento ni Mama na nagpangiti sa akin. Ngunit kaagad din namang itong nawala nang lapitan ni Deyanne at Amira si Mama.
"Ohemgee! Bibisita po si Perry sa SSG Office?"
Napatingin naman kami ni Xander sa isa't-isa.
"Si Perry?" ang nagtataka kong tanong.
"Oo, prez," ang kumpirma naman ni Deyanne. "Kailangan name magpa-picture sa idol namin kaya naman mamaya mo na ako pagbalatin ng patatas."
I crossed my arms as I watch them ask Mama questions about Perry.
"Mama Xean," ang pagtawag naman ni Xander kaya natigilan ang dalawa.
"Mama?" ang nagtataka nilang pag-uulit.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...