Xian's POV
"Kuya, ang galing mo," puri niya sa akin. "Kayo ni idol Perry."
"Ako pa ba?" ang singit ni Perry. "Gusto mo magpa-picture?"
"Oo naman, idol!" ang kaagad namang pagpayag nitong si Hades bago inilabas ang kanyong phone. Pinanood ko namang magpa-picture ang dalawa.
"Kuya, baka puwedeng i-train mo rin ako," ang paki-usap ni Hades sa akin.
"I-train para saan?" ang nagtataka ko namang tanong.
"Archery," ang tugon niya.
"If you really want, lumipat ka sa Montecillo University Royal Archers," ang tukso ko.
"Sige, Kuya," ang kaagad naman niyang pagpayag. "I'll try to convince Mom." Napatupi naman ako ng mga kamay. Magkaibang-magkaiba ang magkapatid. It's as if they are opposite poles. Sobrang tigas ng ulo ni Zeus samantalang napakamasunurin naman ng kapatid niya.
PAGKATAPOS ng event naming sa Saint Anthony ay nagbalik kami sa Montecillo. The Archery Competition is the only event I needed to participate in kaya pagkatapos ng nag-iisang event ko sa University Meet ay balik ako sa dati kong mga gawain kasama na ang pagsama ko kay Zeus tuwing umaga, ang pagsama naman ni Janzen sa akin tuwing tanghali at ang pagbisita ko sa silid ni Zeus tuwing gabi para bisitahin si Midnight. According to Zeus, puwede ko nang mauwi si Midnight after a few more weeks.
"Let's go, slowpoke," ang bungad ni Zeus isang umaga nang buksan ko ang aking pinto.
"Alam mong puwede ka namang mauna sa cafeteria," ang tugon ko. "Wala sa akin—"
"Ang dami mo pang sinasabi," ang komento niya bago kinuha ang aking kamay at hinila papalabas ng aking silid. Madalian ko namang isinara ang pinto bago sumunod kay Zeus.
"Stop dragging me already," ang suway ko bago hinila ang kamay ko. Magkasunod naman kaming pumasok ng elevator. Kahit paano ay nasanay na rin ako sa pang-aasar niya paminsan-minsan. I just recently realized na puwede naman pala siyang magtino. But still... it's a mystery or me kung bakit ganun na lang kainit ang ulo ni Zeus at Janzen sa isa't-isa. Whenever they meet each other, palagi na lang silang nagtatalo. Most of the time ay napaka-trivial ng pinagtatalunan nila. Pagkarating naman naming ng cafeteria ay may kakaiba. Naroon na ang mga etudyante ngunit tahimik ang lahat at mukhang abala. "What is happening?" ang tanong ko sa aking sarili. Napailing naman ako at kumuha na lang ng makakain. Kaagad din namang sumunod si Zeus as usual. Habang tumatagal ay nagiging matino na ang takbo ng aming pag-uusap except for some days na bwinibwisit niya talaga ako. Hindi pa rin siya sumusunod sa mga rules and regulations ng dormitory at ng Montecillo. But despite that, he's really very passionate with animals. And he's genuinely taking care of Midnight.
Habang kumakain kami ay napamasid ako sa kanyang mukha. He's indeed good-looking. Napatingin naman siya sa akin at natigilan. "What?" ang tanong niya. Umiling lang naman ako bago itinuloy ang aking agahan. "If you want to say something, just say it."
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...