Chapter 31

698 49 5
                                    

Zeus' POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Zeus' POV

I tried to calm myself. "Bakit ang tagal ng elevator ngayon?" ang tanong ko sa ere.

"You haven't pressed the button yet, idiot," ang tugon naman ng isang tinig kaya naman napalingon ako. It's Xian and his usual emotionless expression. Linagpasan naman niya ako at pinindot ang elevator button bago napatupi ng mga kamay at ibinaling ang tingin sa LED indicator. Sinundan ko naman 'yun ng tingin at sumabay sa pagpanood niya ng pag-iba ng numero. Magkasunod naman kaming sumakay ng elevator nang magbukas ang pinto. Binalutan naman kami ng katahimikan. Pasimple ko naman siyang pinagmasdan. He's quite tall... pero I'm sure I'm a few inches taller. He always wears a frown and I wonder why. He's annoying as hell lalo na ang mga batas niya. I wonder if anak siya ng isang berdugo.

"Zeus," ang out of the blue niya namang pagtawag kaya naman napaigtad ako sa gulat.

"What?" ang tanong ko.

"How long does it take before midnight fully recovers?" ang tanong niya sa akin.

"Well, may fracture siya," ang pagsisimula ko. "It will take at least six weeks pero puwedeng matagalan hanggang twelve weeks."

"Too long," ang rinig kong bulong niya. Bigla naman siyang tumingin sa akin. "Can Midnight stay with you for a while?" ang sunod niyang tanong sa akin. Napakurap naman ako ng mga mata. "I just want to make sure that he'll be okay," ang paliwanag niya pa. "I'll pay for everything."

"As you should," ang tugon ko naman.

"I'll pay you, too."

"What the hell?" ang reaksyon ko. "That sounds so wrong. Hindi ko alam na may tinatagong naughty side ang SSG President," ang tukso ko sabay tawa.

"Joke something like that again and I'll smack you," ang banta niya. "If I can't return the favor with money, ano bang gusto mo?"

Napaisip naman ako. "Wait a minute," wika ko. "This is another favor. So, dalawa na ang utang mo," ang wika ko.

"Fine," ang pagsang-ayon niya sa akin.

"Eat with me," ang wika ko. "Hanggang sa gumaling ang pusa mo."

Napakunot naman siya ng noo. "What do you mean?"

"Sabayan mo akong kumain sa umaga," ang tugon ko sabay kamot ng aking ulo. I guess I just want some company. Hindi kasi nakatira sa dorm ang karamihan sa SOP members kaya naman madalas ay wala akong kasamang kumain. Nakakasabay ko lang sa tanghali at minsan sa gabi kung may kailangan kaming pag-usapan. Nagtama ang aming mga mata. He seems like he's judging me . "You don't need to talk to me," ang dagdag ko. "Just be there."

"That's it?" ang tanong niya sa akin. Tumango naman ako. "Are you doing this again para buwisitin ako?"

"Well, sort of. Bakit? Effective na ba 'yung pambuwi-bwusit ko sa'yo?"

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon