Xian's POV
Pagkatapos ng maikling coffee break ay nagpunta kami sa isang restaurant para mag-dinner. Kaagad din naman kaming dumeretso sa bahay naming sa Forbes.
"Mama, Dad," pagtawag ko. "Mauna na ako sa room ko."
"Sige, anak," ang pagpayag naman ni Mama habang papunta naman sila ni Dad sa kanilang kuwarto. Naririnig ko ang usapan nila tungkol sa kanilang mga trabaho.
I spent my weekend with Dad since wala si Mama. I tried helping him out with his hobby which is restoration. Nae-enjoy ko naman ang ginagawa namin. Nakaka-amaze nga na 'yung isang bagay na hindi na magamit ay bumabalik sa dati nitong anyo. Tuwing Sabado naman ay pumupunta ako sa aking private Psychologist for counseling. Madalas kasi ay hindi ako makatulog; natatakot ako na dalawin ako sa aking mga panaginip ng nakaraan. The past when some of my classmates bullied me. Besides from that, my fear of anything vanilla scented. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit ako nagkaka-panic attack sa tuwing makakaamoy ng vanilla. I wish I can get over this fear so I can enjoy eating vanilla ice cream with my parents.
"I want to try," ang wika ko habang nakatitig sa maliit na baso na may lamang vanilla ice cream. Dinampot ko naman 'yun at kinuha ang wooden spoon na katabi nito. I scooped a bit and put it in my mouth. Kaagad ko namang iniluwa yun at uminom ng tubig. "I can't. I just can't."
"Don't force yourself," ang bilin ng Psychologist. Ganito ang schedule ko. After my counseling session ay babalik ako ng bahay to study or to read. Tulad nga ng inasahan ko ay sinundo naman ako ng magkakapatid na Park bilang hiling ni Mama kila Ninang Addie. Pagdating naman naming sa dorm ay ang pagpapatuloy ng pagiging dorm leader ko.
KINABUKASAN...
Abala ako at ang mga kasama ko sa Partido Liberal. Kasalukuyan kasi kaming nag-aayos ng campaign paraphernalia na gagamitin naming sa pag-iikot namin mamaya-maya. Kasalukuyan kong binabasa ang aking campaign speech nang ma-distract ako dahil kay Deyanne.
"Prez! Si Sweetie-pie Tunton tumatawag!" ang OA naman niyang pagkakasaad. Napakunot naman ako ng noo at napatingin sa screen ng phone ko. Tumatawag nga si Ariston. I picked it up and talked to him. May kailangan daw siyang ibigay kay Mama.
"Sure, but I'm quite busy now," ang tugon ko. "I'll just drop by your room later this afternoon."
"Okay, thanks."
Tinapos ko naman ang phone call at binalik ang phone ko sa mesa. "Ow em gee, Prez! Close pala kayo ni Sweetie-pie Tunton ko!"
"Hindi kami close," ang paglilinaw ko.
"Eh, bakit may pa-meet up sa kuwarto?" ang reaksyon niya kaya napaikot ako ng mga mata. "May sleepover? Prez, sama ako."
"Of course you can't," ang kaagad kong pagtutol.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Novela JuvenilXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...