Chapter 48

618 39 5
                                    


Xian's POV

"Tinitingnan ko pa rin ang mga CCTV footage," ang wika ko to make him feel better. "Sigurado ka bang wala kang pinagbigyan ng susi ng kuwarto mo?"

Umiling naman siya. "At kung meron man, tanging ka-brad ko lang sa SOP ang pinagkakatiwalaan ko. Alam naman nila kung gaano ka-importante sa akin 'yun."

"Maibabalik 'yun sa'yo, pangako," I assured him. Mas lumawak naman ang ngiti niya sa kanyang mga labi.

"I trust you," ang tugon niya bago ako akbayan. Kaagad ko namang tinapik 'yun. "Still no touching?" Inalis naman niya ang kanyang kamay. Magkasabay naman kaming pumasok ng elevator. I reached for his hand and held it. Napatingin naman siya sa akin.

"Dito lang sa elevator," ang paliwanag ko. Napangiti naman siya at pinisil ang aking kamay. "Ito ang premyo mo dahil isang buong linggo kang hindi nasangkot sa kung ano mang kalokohan."

"Puwede bang dito na lang tayo?" ang tukso niya.

"As if."

"Next time, baka puwedeng kiss naman."

"Let's see," ang tugon ko. Hinila ko naman ang aking kamay nang magbukas ang pinto. Nang tuluyan kaming malalabas ng dorm ay dumeretso kami ng cafeteria but before we can come in, nagsimula namang mag-vibrate ang aking phone. Natigilan naman ako at tiningnan ang aking phone. It's Kuya Trace.

"Hello," pagbati ko nang sagutin ko ang phone call.

"I have news for you," ang wika niya. "Tungkol sa SOP."

Pasimple naman akong napasulyap kay Zeus na nakapila na. "I'll visit you sa Aurum Gazette," wika ko.

"I'll see you, then."

"Who's that?" tanong ni Zeus nang pumila ako sa likuran niya.

"Ah, isa sa mga staff ng aurum Gazette," ang tugon ko. "Gusto nila akong ma-interview."

"Napaka-popular naman ng SSG President ko," tukso niya.

"Stop it," ang suway ko. "May makarinig sa'yo."

Humarap naman siya sa akin. "Ano naman ngayon? Stop treating me like a bad habit."

"I am not," ang pagtatama ko. "I feel a bit embarrassed."

"Lahat naman nagkakagusto, nakikipag-date," ang saad niya. "And hindi ka exception. Hindi mo kailangang mahiya."

Napakamot naman ako ng leeg. How would I say that this is the first time I have ever felt something for someone? Pagkatapos naming kumain ng almusal ay dumeretso ako sa opisina ng Aurum Gazette.

"Prez! What brought you here?" ang gulat na reaksyon ni Amy Vherdschen nang makita niya akong pumasok sa opisina nila.

"I'm here for Kuya Trace," ang wika ko.

"Nasa studio siya," ang tugon niya.

"Thanks." Pumunta nga ako sa studio at nadatnan si Kuya Trace na naglilinis ng mga lente ng camera. "Kuya Trace."

"You're here," ang wika niya bago tumigil sa ginagawa at humarap sa akin.

"Anong balita, Kuya?"

"Wala ka talagang oras na sinasayang, ano?" ang tanong niya pabalik. "That's so you, Xian. Anyway, bukas na ang initiation rites ng Sigma Omega Pi."

"Saan? Anong oras?" ang sunod-sunod kong tanong. Napailing naman siya.

"Hindi ko rin alam," tugon niya. "Nasabihan lang ako na bukas. Kung saan at anong oras, wala akong ideya. Sorry. Ano nang balak mo?"

MU Series: The Fearless Leader (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon