Xian's POV
Mabilis na lumipas ang araw and it's finally Friday. Masyadong maraming naganap ngayong lingo lalo na sa SSG kaya siguro hindi ko na rin namalayan ang araw. Most of the time ay nagmi-meeting kami ng ibang SSG o kaya naman ay linalakad naming ang ibang dokyumento para sa projects ng SSG. I'm thankful na lahat sila ay tumutulong even Deyanne na madalas ay magreklamo sa mga pinapagawa ko.
Kasalukuyan akong nasa SSG office. Hinihintay ko sila Mama at Dad. They want to go out for dinner with me since it's a Friday and saktong lumuwag ang kanilang schedule. Nagbabasa ako ng textbook when I got bored. Nakaaagaw naman ng aking atensyon ang mga mansanas na nakalagay sa isang basket. Tumayo ako at pinatay ang table lamp. I don't usually turn on the light kung mag-isa ko lang naman. Kinuha ko ang kutsilyo mula sa aking drawer at pumunta ng restroom para hugasan ito.
Bumalik ako sa Office ng SSG Officers bitbit ang kutsilyong hinugasan ko. Yes, binabalatan ko ang mansanas. I don't know but I hate the texture and its taste. Nakabukas na ang mga lamp post sa campus since malapit nang lumubog ang araw. The flickering light coming from the SSG Office is really bothering me; nasabihan ko naman na ang maintenance so they should be here anytime soon.
"Prez!" ang pagtawag ng isang boses kaya natigilan ako at napalingon. "Tamang-tama, andyan ka pala. Manghihiram sana kami ng kutsilyo." Napatingin naman sila sa hawak ko. "Hala, manghuhula ka ba, Prez?"
"I just washed it but okay, here," ang tugon ko sabay abot ng kutsilyo. Pinanood ko naman silang hiwain ang isang cake na may red glaze icing.
"Gusto mo ba, Prez?"
"I think I'm gonna pass," ang tugon ko. "I'll take the knife though."
Tinatamad na akong bumalik ng washroom. I guess I can just use some wipes. Pinagpatuloy ko ang paglalakad hawak-hawak ang kutsilyo na may pulang icing.
Nadatnan ko naman si Deyanne sa office at nakatitig sa pawala-walang ilaw. Why is she not turning the other lights on?
I just didn't mind her and walked in.
"Deyanne," pagtawag ko. Kaagad naman siyang napatingin sa aking direksyon. "Mabuti naman at narito ka na," wika ko. I need her to fix some papers this weekend, kailangan naming maipasa ang mga 'yun sa Office of Student Affairs by Monday. Napatingin naman siya sa hawak ko.
"P-prez, a-anong binabalak mong gawin diyan?" ang tanong niya.
"To cut, of course," ang tugon. I can't believe she's acting that. Napatitig naman ako sa mga mansanas na nasa mesa sa likod niya. I started to walk towards them.
"P-prez, mahal ko ang buhay ko. Mahal ko rin si Sweetie pie Tunton," she babbled. As if I care about her love life. "Prez, wag mo nang ituloy 'yang binabalak mo."
Natigilan naman ako at napatingin sa kanya.
"Why would I? I hate it," paliwanag ko. "And what do we do if there's something we don't like, we cut them off."
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...