Xian's POV
Zeus is a piece of work pero hindi naman siya ang concern ko but the fraternity he belongs to. I guess it's also a good idea na mapalapit sa kanya physically. I might get something from him about Sigma Omega Pi. Sa ngayon, I need to focus on my studies and the University Meet. Pagkatapos ng almusal ay pumunta ako sa Office of the Student Affairs. May isang oras pa ako bago ang una kong klase ngayong araw, Magkikita na naman kami ni Zeus sa Foreign Language Subject namin with Ninong Jaewon. As expected, wala pang tao sa SSG Office. Hindi ko naman naiwasan na pagmasdan ang desk ng bawat isa. Halos lahat sa kanila ay simple lang ang set ng kanilang mga desk, maliban na lamang kay Deyanne na nilagyan niya ng mga larawan ni Ariston. Napailing na lamang ako at nagtungo sa aking desk. Mapagtitiisan ko naman siguro ang pagmumukha niya tuwing umaga.
Bigla na lnag pumasok sa aking isipan nung nadatnan ko siyang natutulog kagabi sa sahig. He looks so gentle; bagay na hindi ko makita kapag gising siya. He's indeed good-looking, I can't deny that. Nagtataka lang ako kung bakit ganoon na lang ang ugali niya. I stayed in the office for a while before going to the School of Law for my classes there. Afterwards, sa School of Liberal Arts naman ako sumunod na nagpunta para pasukan ang Foreign Language Class ko. Kaagad naman akong dumeretso sa usual seat ko. Zeus is not yet around. Ibinigay naman sa akin ni Ninong Jaewon ang listahan ng mga estudyante. As always, I called my classmates one by one. Ibinalik ko naman ang listahan kay Ninong. Magsisimula na sana si Ninong Jaewon nang biglang pumasok si Zeus.
"Haksaeng (Student)," ang pagtawag ni Ninong sa kanya. "What's your name?"
"Zeus, Sir," tugon naman niya.
"Juice," ang pag-uulit ni Ninong. "J-U-I-C-E?"
Natawa naman ang mga kaklase ko.
"It's Z-E-U-S, Sir," ang pagtatama naman niya.
"I see, Juice Celestius Imperiar," ang pagbasa ni Ninong. "Difficult name. Sit down and don't be late next time."
Naupo naman si Zeus sa tabi ko. "Sa susunod, maaga kang pumasok. Hindi pa naman gusto ni Sir Park ang latecomers."
"As if I care," ang tugon naman niya. Napailing na lang ako at inilabas ang textbook ko sa subject na 'yun. I started to translate the English texts there into Korean. "Xian," ang pagtawag naman ni Zeus.
"What?" ang tanong ko na hindi tumitingin sa kanya. "I heard you have a lot of connections."
"Connections?" ang pag-uulit ko.
"I need someone from Arella Meat Market Compound," ang wika niya. "I have a research on goats." Nauna ko namang naisip si Ariston but I won't talk to that guy just for the sake of Zeus.
"Hindi ko alam na seryoso ka pala sa pag-aaral," ang komento ko.
"Who told you I'm not?" ang tanong naman niya sa akin.
BINABASA MO ANG
MU Series: The Fearless Leader (Published)
Teen FictionXian Marceau O. Mendoza. Born as an orphan, adopted and raised by gay parents, Xean and Marky. It was an unconventional family but he never felt he was incomplete. Being reared by a lawyer, he felt and knows the importance of Justice...