"Hindi mapigilan ng aking sarili na tumitig sa kanyang mga matang singganda ng bilog na buwan."
Ika-18 ng Agosto 1818, Bayan ng San Fernando sa Pampanga
Usap-usapan sa bayan ang pagkawala ng bunsong anak ng Gobernador-Heneral ng Las Islas Filipinas.
Kabi-kabilang istorya ang sumusuplong. Nagkalat rin ang mga guardia civil sa lugar upang mapabilis ang paghahanap sa dalaga.
"Naku, kaya pala andaming guardia civil ang nagkalat dahil nawawala raw ang bunsong anak ng Gobernador-Heneral."
"Akin ngang nabalitaan na nakipag-tanan daw ito sa kanyang lihim na kasintahan."
"Sa aking pagkaka-alam, noong nakaraang linggo dapat ang pag-iisang dibdib ng pangatlong Prinsipe ng Espanya at ang bunsong anak ng Gobernador-Heneral ngunit, ito'y naudlot dahil bago raw ang araw ng kasal ay nawala ang bunsong anak ng Gobernador-Heneral. Kaya siguro ito nakipag-tanan dahil mas nais niyang makasama ang kanyang lihim na kasintahan na iniibig niya."
Agad naman nagsipag-hiwalay ang tatlong babaeng nag-uusap nang biglang may dumaang dalawang guardia civil.
Nabaling ang tingin ng dalawang ito nang biglang may nagsisigawan sa kabila kaya dali-dali silang pumunta sa kinaroroonan ng ingay na iyon.
"Qué es este ruido?" (What is this noise?), tanong ng isang guardia civil.
"Lo siento, pero esta chica está haciendo una escena y no entiendo de qué está hablando. tal vez, ella es una persona loca. Llévatela ahora!" (I'm sorry but, this girl is making a scene and I don't understand what she's talking about. Maybe, she's a crazy person. Take her away now!), pagrereklamo ng isang babaeng nasa 40 ang edad.
Nabaling ang tingin ng dalawang guardia civil sa babaeng tinutukoy ng ale.
"Why are you looking at me? Please stop this scene na nga. Seriously? Masyado na kayong in-character. Nagsasalita pa kayo ng Spanish akala niyo hindi ko naiintindihan 'yan? Dios Mio! Wala naman sa script 'yan. Nasaan na ba si Direk? Kanina ko pa siya hinahanap pati ang manager ko nawawala rin."
"No te puedo entender, pero creo que estás familiarizado." (I can't understand you, but I think you're familiar.)
"Tienes razón. Creo que es la hija perdida del Gobernador-General." (You're right. I think she's the lost daughter of Governor-General.)
August 05, 2022 (Present Time)
May tatlong babaeng magkakaibigan na nag-uusap sa Starbucks.
"Omg! Ang ganda talaga ni Selene! She's my role model talaga. Look at her latest post on ig."
"Oo ngaaa ang crushable talaga niya sana ganyan din ako kaganda hahaha!"
"Sus di niyo alam baka nagpa-plastic surgery lang 'yan!"
"Ewan ko sayo inggit ka lang hahaha! Natural ang beauty niya ano ka ba."
"Porket crush lang siya ng ex mo eh hahaha!"
"Tumigil nga kayo oo na crush nga ng ex bf ko si Selene pero mas maganda naman ako ano."
"Wews? Eh anong tawag mo dito?" sabi niya sabay tingin sa wallpaper ng kaibigan niya.
"Hoy akin na yan!"
"Kunwari ka pang basher diyan! Eh wallpaper mo naman pala si Selene hahaha!"
---
Category: Historical Fiction, Fantasy, Romance, Comedy
Ang akdang ito ay nakasulat sa Unang panauhan (1st POV) at Ikatlong panauhan (3rd POV).
Ang wikang Kastila at Mandarin na mababasa ay ginamitan lamang ng translating apps.
Kasalukuyan ding sumasailalim ito sa major editing at revising.
---
Mula sa manunulat:Dito pa lang po ay labis na akong nagpapasalamat sa pagkakaroon ng interes basahin ang akdang ito.
Nawa'y mayroon kayong mapulot na aral at ito'y inyong maibigan hanggang huli.
Muli, maraming salamat at pagpalain kayo ng Panginoon. 💗
---
Munting Paalala:Ang akdang ito ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa Pangalan, Lugar, o Pangyayari ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Hindi rin lahat ng nakasulat sa akdang ito ay nakasulat sa kasaysayan. Kung may nais humingi ng kopya na ito ay magbigay ng pahintulot sapagkat ang plagiarism o panunulad ay ilegal na nakasaad sa batas.
Maraming Salamat!
----
Simulan na ang pagtunghay sa makabuluhang karanasan ni Selene sa ibang panahon.Maligayang pagbabasa!
Sinimulan: Abril 18, 2022
Natapos: Agosto 19, 2022
©All Rights Reserved 2022
~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...