KABANATA 10

2.3K 107 12
                                    

[Kabanata 10 - Ang kasintahan ni Isabel]

Hindi ko alam bakit bigla akong nagkaroon ng interes sa Prinsipe. Siguro dahil ngayon lang ako naka-encounter ng isang tulad niya na parang walang pake saakin. Nasanay kasi ako na maraming humahanga saakin na mga lalaki kahit babae at dahil doon, tinawag akong Nation's first love. Kahit kasi may bagong sumisikat, ako pa rin ang binabalik-balikan ng karamihan.

Sumapit ang umaga at ang tahimik ng hacienda dahil sa nangyari kahapon. Nandito ako ngayon sa sala nakaupo at nakita ko si Ningning na papalapit saakin.

"Binibini, may nagpapabigay po ng liham sa inyo."

Inabot niya saakin iyon at tinanong ko kung kanino galing pero hindi niya raw kilala kung sino iyon. Isang babae raw ang nagbigay pero nakatakip ang mukha nito. 

Binuksan ko ang liham at nagtaka ako dahil nakalagay sa dulo na nagpadala ng liham na ito ay Simoun ang pangalan eh hindi ko naman kilala kung sino iyon.

"Ningning baka hindi para saakin ito. Hindi ko naman kilala kung sino si Simoun."

"Ano po Binibini? S-Simoun po?!"

"Oo kilala mo ba 'yon?"

"Ahh ehh... S-siya po yung..."

"Ano ba 'yon bakit parang kinakabahan ka?"

Lumapit siya saakin para bumulong.

"Siya po ang inyong kasintahan," bulong niya.

"Ano?! K-Kasintahan?!"

"Hinaan po ninyo ang boses niyo, Binibini."

Hinila ko naman siya at dinala papasok sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at pina-upo ko rin siya. Don't tell me na iyon yung kasintahan daw ni Isabel na hardinero.

"Ipaliwanag mo nga saakin 'yan Ningning. Sino ba ang kasintahan ko na 'yan?"

"Siya po ay namamasukan dito sa hacienda noon bilang isang Hardinero."

"Huh? Ano bang itsura niya tsaka alam ba ni Ama at Ina ang tungkol sa bagay na 'yan?"

"Hindi po. Patago lang po kayo nagkikita noon hanggang sa dumating ang ulat mula sa Espanya na kayo ay naka-takdang ikasal kay Prinsipe Marco. Mula po ng araw na iyon, labis ang inyong kalungkutan at bago po ang araw ng kasal ninyo, kayo po ay nagsabing pupunta lang sa palikuran pero ilang oras na po ang lumipas hindi pa rin po kayo bumabalik kaya pinuntahan ko na po kayo pero pagtingin ko, wala kayo. At doon po nagsimula ang araw nung kayo ay nawala hanggang sa umabot na po ng isang buwan ang paghahanap sa inyo."

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit biglang nawala ako noon? May sinabi ba ako sayo?"

"Wala po kayong sinabi ngunit nakukutuban ko na pong may nais kayong gawin nang palihim. At nung nalaman ko po na wala na rin po si Simoun dito sa hacienda, doon ko po napag-isip na baka kayo ay nag-tanan."

"Gaano katagal na kaming magka-relasyon? May mga nakaka-alam bang iba na lihim kaming magka-sintahan?"

"Magmula po nung dumating dito si Simoun noong siya ay labing-dalawang gulang pa lamang, kayo po ay may lihim ng pagtingin na sa isa't-isa. Nagsimula sa pagka-kaibigan hanggang kayo po ay naging magka-sintahan. Parehas din po kayo ng taon na pinanganak. At alam din po ito ng inyong mga kaibigan na sina Binibining Mercedes at Binibining Valentina."

"Delikado ito, Ningning. Wala dapat makaka-alam na nagpadala siya ng liham saakin. Sa ating dalawa lang ito, okay?"

Nag-okay sign naman ako at ginaya din ni Ningning iyon. Andami niya na ring natututunan saakin magmula nung dumating ako rito.

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon