[Kabanata 13 - Ang mga Sangley]
Dapit-hapon na rin nang maisipan kong bumisita sa Prinsipe upang magpasalamat sa kanya sa pagligtas saakin sa mga lumusob saamin noon sa Pampanga.
Tinawag ko si Ningning na kasalukuyang nasa kusina at tumutulong para maghanda ng hapunan.
"Ano iyon Isabel? Malapit nang magtakip-silim baka mapagalitan ka ng iyong Ama."
"Hindi 'yan tsaka wala naman si Ama dito. Nasa palacio pa naman siya at sabi niya gagabihin siyang umuwi rito."
"Nagpaalam ka ba sa iyong Ina?"
"Oo sinabi ko sa kanyang pupunta ako sa bahay-panuluyan ng Prinsipe kaya tara na bago pa magdilim ang paligid at dahil sabi ni Ina bago maghapunan ay narito na tayo."
Kung bakit kasi ngayong oras lang sumagi sa isip ko na puntahan ang Prinsipe. Ayoko naman bukas dahil hindi ko alam ang schedule niya. Malay ko ba na may lakad pala siya bukas kaya mas maiging ngayon na ako pumunta upang magpasalamat.
Habang naglalakad kaming dalawa ni Ningning sa kalsada, napansin kong wala nang gaanong tao sa labas dahil siguro oras na rin ng hapunan.
May dala kaming basket na may lamang mga prutas gayundin ang lampara upang magamit namin mamayang ilaw sa daan.
Ilang sandali pa, narating na namin ang bahay-panuluyan ng Prinsipe. Kakatok na sana ako pero napansin kong nakabukas pala ng kaunti ang pintuan kaya dahan-dahan akong sumilip upang tignan kung may tao.
Wala namang tao kaya pumasok na lang kami ni Ningning sa loob. Biglang may lumapit saamin at iyon ay si manang na nagbigay noon saamin ng inumin.
"Binibini? Ano at naparito kayo?"
"Ah eh, pasensya na po kung pumasok kami agad. Nakabukas po kasi ang pintuan kanina kaya pumasok na kami."
"Hanap ba ninyo ang Prinsipe?"
"Opo. May nais lang po sana akong sabihin sa kanya."
"Maupo muna kayo at tatawagin ko ang Prinsipe sa kanyang opisina."
"Ah eh hindi na po. Nagmamadali rin po kasi kami. Pwede po bang ihatid niyo na lang po kami?"
"Sige, osya ako'y inyong sundan."
Nagsimula na kaming maglakad at sinusundan namin si Manang.
"Narito na tayo. Inyong ipagpaumanhin ngunit maiiwan ko na kayo rito sapagkat ako pa ay mayroong ibang kailangan gawin."
"Salamat po."
"Walang anuman," sabi ni Manang at saka umalis.
Kaming dalawa lang ngayon ni Ningning dito at kumatok na ako sa pintuan. Wala namang nagbubukas ng pinto kaya kumatok akong muli ngunit wala pa ring sumasagot.
Wala na akong nagawa kundi buksan na lang ang pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan at saka tinignan ang paligid.
Malaki rin pala ang opisina niya rito kaya siguro hindi narinig ang katok ko. Wala ring tao rito at nasaan naman kaya si Marco?
Napansin ko namang hindi pumasok si Ningning at bitbit pa rin niya ang basket na may prutas.
"Uy Ning, tara na!"
"Ngunit hindi ba mali na pumasok tayo rito ng walang pahintulot mula sa Prinsipe?"
"Oo nga pero may nagawa rin naman siya saakin na wala ring pahintulot kaya oks lang 'to."
"Ano ka ba Isabel."
"Akin na 'yang basket ako na lamang ang magbibigay."
"Mag-iingat ka Isabel huwag ka nang gumawa ng kahihiyan."
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...