KABANATA 19

1.7K 77 17
                                    

[Kabanata 19 - Ang pag-usbong ng pag-ibig]

Nawala ang kulimlim ng langit at bigla na lamang sumikat ang araw.

Lumapit saakin si Marco bitbit ang dala niyang rosas saka ito iniabot saakin.

"Isang rosas para sa isang Binibining kahali-halina."

"P-Para saakin ba 'yan?" 

Tumango siya at dahan-dahan kong kinuha ito mula sa kamay niya. Hindi ko naman mapigilan ngumiti dahil bakit ba kinikilig ako?

"Maiwan na muna namin kayo rito, tara na Hermana," sabi ni Tiya Victorina sabay hila kay Ina. 

Napatingin naman ako kay Ningning at ngumisi lang siya sabay alis. 

"Huy Ningning huwag mo akong iwan," bulong ko.

Wala naman na akong nagawa kundi mapalunok na lang ng hangin at kaming dalawa na lang ni Marco ang natira rito sa sala. 

"B-Bakit ka nandito? Akala ko ba umalis ka na?"

"Saan naman ako tutungo gayong narito ang aking sinisinta?"

Hindi ko naman mapigilan ngumiti at sigurado akong namumula na naman ang mga pisngi ko dahil sa kilig. Masyado naman kasing pa-fall ang Prinsipeng ito.

"Akala ko ba pupunta ka ng Espanya?"

"Pupunta sana ako ngunit si Felipe na lamang ang aking inatasan. Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na ito? Ako ba'y iyong minamanmanan?"

"Narinig ko lang sa mga marites ano ka ba huwag ka ngang assuming diyan ginawa mo pa akong stalker."

"Napansin kong ikaw ay malungkot nang dumating dito. Sa palagay ko'y ikaw ay nanlulumo nang akala mo'y ako ay lumisan."

"Hoy huwag ka ngang feeling diyan! Masama bang sumimangot ha?"

"Kahit na hindi ko mawari ang salitang Fi-Ling, huwag kang mag-alala sapagkat narito lamang ako upang pasayahin ka."

"Pere ke nemeng tenge," bulong ko.

"Ano iyon?"

"Wala. Bakit ka nga pala naparito?"

"Nais lamang kitang yayain lumabas. Gusto rin kitang lubos pang makilala, Selene."

"Huy huwag mo nga akong tawagin na ganyan dito. Sikreto lang natin 'yan. Hoy ikaw pag sinabi mo sa iba ang tungkol sa bagay na 'yan hindi na kita bati."

"Pangako. Sa ating dalawa lamang ang tungkol sa bagay na iyon."

"Saan ba tayo pupunta?"

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko sabay hila saakin palabas.

"Teka lang! Hindi pa ako nakakapag-paalam."

"Kanina pa ako nagbigay ng pahintulot sa iyong Ina ganoon din sa iyong Ama."

"Hindi pa ako nakakapag-ayos."

"Hindi na kailangan. Sigues siendo hermosa en mis ojos. (You are still beautiful in my eyes)."

Kanina pa ang banat niya na 'yan ha. Saan naman kaya kami pupunta?

Sumakay naman na kami ng karwahe at narinig ko sabi ni Marco ay tutungo kami sa pamilihan. 

"Anong gagawin natin sa pamilihan?"

"Kaarawan bukas ng bagong miyembro ng Residencia. Bukas din siya itatalaga bilang bagong miyembro nito."

"Sino naman iyon?"

"Kilala mo rin siya. Siya si Ginoong Gabriel."

"Ah parang naalala ko na kung sino siya. Siya ba yung Hermano ni Mercedes? Ang nakatatandang kapatid nila?"

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon