[Kabanata 44 - Sa susunod na habang buhay]
Pagkarating sa likod ng Simbahan, maraming guardia civil ang duguan at wala ng buhay sa kalsada.
Dumiretso naman na kami sa paglalakad at napahinto nang makita si Simoun na nakaupo at may tama ng pana sa dibidb. Agad naman kaming pumaroon sa kanya upang masuri ang kanyang kalagayan.
"Simoun!!" sigaw ni Jingyi.
"B-Bakit kayo nandito?"
"Ano ang nangyari sa iyo?! Sino ang nanakit nito sa iyo?!"
"Hindi namin inaasahan na kukuha ng mga tauhan si Gabriel at ang malala pa rito, kasama si Don Emilio sa nangyaring paglusob na ito."
"Si Marco? Nasaan sila Marco? Pati sina Chenchen at Felipe?" tanong ko.
[IKATLONG PANAUHAN]
Pagka-alis ni Selene sa karwahe, agad tumungo si Marco kina Felipe.
Nagkita-kita naman silang lima at nag-usap na gawin na ang kanilang napag-planuhan.
Iyon ay ang maaaring paglusob ni Gabriel anumang oras. Mayroon ng mga naka-handang guardia civil sa paligid ng Simbahan dahil naisip nilang maaaring gamitin niya ang araw na iyon sa kanyang paglusob at tama nga ang kanilang hinala.
Ngunit mukhang alam na rin ito ni Gabriel na mayroong hinandang plano sina Marco. Kaya bago pa mapalibutan ng mga guardia civil ang Simbahan, nilisan niya na ang lugar na iyon.
Nasaktuhan namang nakita niya sina Marco at Selene palabas kaya binaril niya si Marco sa likuran. Dahil sa kanyang ginawa, nakita siya nina Samuel at ng mga guardia civil.
Matapos marinig ang pinaputok na baril ni Marco, si Felipe ay agad itinakbo si Ningning upang palayuin sa lugar na iyon. Ganoon din ang ginawa ni Simoun, nakita niya si Jingyi na bakas ang kaba sa mukha kaya dali-dali niyang hinila si Jingyi palabas sa ligtas na lugar. Doon naman nagkasama sina Jingyi at Ningning.
Si Chenchen at Valentina ay magkasama na ng mga oras na iyon. Nang marinig ni Chenchen ang putok ng baril na hudyat ni Marco, hindi na siya nagpatumpik pa at dinala niya na si Valentina sa ligtas na lugar ngunit, bago sila makarating sa paparoonan din nina Jingyi at Ningning, mayroong sumalubong sa kanila at iyon ay si Mercedes na may hawak na rebolber.
Nakatapat iyon kay Valentina at sinabi ni Mercedes na paghihigantihan niya ang ginawa niya kay Gabriela.
Pagka-pindot niya ng rebolber, agad humarang si Chenchen dahilan para siya ang matamaan ng bala. Nagulat naman si Valentina sa nangyari at napakarami na ngayong lumalabas na dugo kay Chenchen.
Nagsisigaw si Valentina at tumingin sa gawi ni Mercedes na ngayon ay gulat din sa kanyang nagawa.
Susugurin na sana ni Valentina si Mercedes nang biglang hinatak siya ni Chenchen at sinabing hayaan na lamang. Ngunit dahil labis ang galit na nadarama ni Valentina, kinuha niya ang rebolber na nasa bulsa ni Chenchen at naglakad ng mabilis papunta kay Mercedes.
Nag-aalab ang kanyang mata ngayon dahil sa labis na galit. Si Mercedes naman ay naubusan ng bala kaya tumakbo na lamang siya.
Nang mahabol ni Valentina si Mercedes, agad nitong hinila ang kanyang buhok dahilan para mapa-aray at mapahinto si Mercedes.
Hawak pa rin naman ni Valentina ang buhok ni Mercedes at sinasabi nitong bitawan siya ngunit hindi pa niya pa rin binibitawan ang buhok nito kahit anong pagpupumilit niya. Itinapat ni Valentina ang rebolber sa tiyan ni Mercedes at ilang saglit pa, sinipa ni Mercedes sa paa si Valentina dahilan para mabitawan ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...