[Kabanata 15 - Ang naudlot na kasal]
Matapos ang tanghalian, tumulong ako sa mga gawaing-bahay. Darating kasi ang mga magulang ni Chenchen at Jingyi galing sa Cebu.
Magkakaroon din sila ng kaunting selebrasyon dahil bukod sa pagbabalik ng kanilang mga magulang, ang kanilang negosyong Panciteria ay dumoble ang kita.
Sumapit ang hapon at dumarami na ang mga bisita. Mayroong mga Sangley at Mestizo de Sangley. Mayroon ding mga purong Pilipino na dumalo na sa palagay ko'y mga tauhan sa kanilang negosyo.
Sa gabi pa raw darating ang kanilang mga magulang at mukhang hindi ko na sila maaabutan dahil kailangan ko ng umalis bago sumapit ang gabi.
Mas mahalagang masuri ko kung ano ang kalagayan sa Hacienda namin dahil kakaiba talaga ang kutob ko.
Maya-maya, habang nagbibigay ako ng inumin sa mga bisita, may napansin akong isang babae na mukhang pamilyar.
Siya yung babae na nakausap ni Valentina sa isang kainan sa Binondo tungkol sa mahiwagang bato. Lumapit naman ako kay Jingyi at tinanong kung kakilala niya ang babaeng iyon.
"Jingyi, kilala mo ba sino ang babaeng iyon?"
"Ahh siya si Yingyue. Anak siya nung may-ari ng kainan na kalapit ng panciteria namin. Bakit mo naitanong?"
"W-Wala. Nakita ko kasi siya noon sa Binondo. Hindi ko lang akalain na ganito pala kaliit ang mundo."
Habang nag-uusap kami, lumapit saamin si Chenchen at saka kami kinausap.
"Darating nga pala si Simoun dito mamaya kasama ang ilan sa kanyang mga kasamahan."
"Pupunta si Simoun?!" gulat na tanong ko.
"Oo, bakit? Sabik ka na bang makita siya?"
"H-Hindi. Oo nga pala Chenchen, Jingyi..."
"Ano iyon?" sabay na tanong nilang dalawa.
"Mukhang hanggang dito na lang ang pagtuloy ko sa inyong hacienda. Bukod sa nahihiya na ako maki-tuloy dito, mukhang kailangan ko na kasi umuwi sa hacienda namin."
"Ngunit hindi mo ba ito sasabihin kay Simoun?" tanong ni Jingyi.
"Kailangan ko nang umalis bago pa siya dumating. Pakisabi na lamang sa kanya na babalik na ako sa hacienda namin. Gayundin kay Tiya Liling. Maraming salamat sa inyo. Nagkaroon ako ng mabuting mga kaibigan at sana magkita pa tayong muli lalo ka na Jingyi."
"Nakakalungkot man pero kailangan dahil baka nag-aalala na ang iyong mga magulang," sabi ni Jingyi.
"Huwag kang mag-alala aking kapatid. Bibisitahin na lamang natin si Isabel. Maaari naman hindi ba?" tanong ni Chenchen.
"Oo naman welcome na welcome kayo saamin. Este! Kahit kailan maaari kayong bumisita."
Natapos na rin ang aking paalam sa kanila at inihatid nila ako sa labas.
Nagtawag na rin ng karwahe si Chenchen papuntang Hacienda Folgueras.
"Mag-iingat ka Isabel," sabi ni Jingyi.
Nagpaalam naman na kaming muli sa isa't-isa saka umandar na paalis ang karwahe.
Habang papalapit sa aming hacienda, hindi ko alam kung bakit biglang bumibigat ang dibdib ko at parang bigla akong kinakabahan. Handa naman na akong mapagalitan lalo na ni Ama.
Pagkadating, nagbayad na ako kay manong at saka bumaba. Nasa harap ako ngayon ng hacienda at saka naglakad na papasok.
Pagbukas ng pintuan, wala namang nagbago. Tahimik pa rin ang lugar nang biglang may tumawag saakin.
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...