[Kabanata 6 - Ang bayan ng San Fernando]
Matapos ang ilang oras na biyahe sa barko, nakarating na rin kami sa Pampanga. Nagsisimula na ring magbabaan ang mga pasahero gayundin kami ni Prinsipe Marco. Magdamag kaming hindi nag-uusap dahil alam niyo naman masyadong mainitin ang ulo ng lolo niyo. Pinaglihi ata sa sama ng loob tsaka ayoko rin makausap ang isang tulad niya.
Matapos makababa ng barko, sumusunod lang ako sa likuran niya. Tinitignan ko ang tanawin at manghang-mangha dahil sa ganda ng mga lupain dito. Napansin ko rin ang mga tao na magkakaiba ang damit na talagang mahahalata mo kung sino ang mga may kaya.
Maya-maya pa, nabunggo ang mukha ko sa likod ng isang lalaking bumaba rin ng barko.
"Paumahin po."
Umiling lang naman siya at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"T-Teka... Nasaan na ang Prinsipeng 'yon?"
Tumingin ako sa paligid ko at hinanap siya. Napakarami ring tao ang nandito na bumaba ng barko at mga sasakay pa lang. So, iiwan niya na lang ako rito? Okay fine!
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa may humila ng damit ko sa likod.
"Eres tan lento. (You're so slow.)"
Napalingon naman ako kung sino iyon at siya ang hambog na Prinsipe.
"Bitawan mo nga ako!," pagrereklamo ko saka niya binitawan ang damit ko.
Nagbuntong-hininga naman ako at saka inayos ang damit ko dahil ginulo niya.
"Bakit kasi bigla kang nawawala at iniiwan ang nobya mo?" reklamo ko.
Nagulat naman ako dahil bigla siyang ngumiti. Aba! first time ever ko nakita yan ah. Marunong naman pala siyang ngumiti.
"Oh anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?"
"Tara na at mayroon tayong pupuntahan."
"Saan naman?"
"Huwag ka nang maraming tanong pa, aking nobya."
Parang binagsakan naman ako ng langit at lupa dahil sa sinabi niya. Parang ewan! Ang cheesy niya! Hindi ko naman mapigilan ngumiti dahil grabe pala effect ng kilig sa panahon na 'to!
"Pereng tenge to..."
"Ano?"
"Wala wala. Nevermind. Tara na."
Nagsimula naman na kaming maglakad at sumakay na ng karwahe. Habang nasa daan, napansin kong ito yung lugar kung saan ako kinuha ng dalawang guardia civil at yung may nakaaway akong ale na Donya Esperanchuchu yata ang pangalan.
"Teka, teka. Pahinto muna ng karwahe, Manong."
Huminto naman ang karwahe at saka nagmadali akong bumaba. Nakita ko namang nagtataka ang itsura ni Marco pero umalis pa rin ako dahil mas may importante akong gagawin dito. Nilibot ko ang lugar kung saan ako napadpad noon.
Hinahanap ko kung saan yung room na pinaglabasan ko noon pero hindi ko makita kung saan. Hindi ko naman mapigilan umiyak dahil mukhang wala nga talaga akong pag-asang makabalik sa panahon ko. Ang tanging magagawa ko na lang ay ang hintayin ang solusyon ng Goddess of Time.
Bigla naman kumulimlim ang langit at ilang sandali pa, nagsimula ng pumatak ang ulan. Napa-buntong hininga naman ako at tumakbo na lang sa may silong.
Sa di kalayuan, nakita ko si Marco na nakasilong din at mukhang may ina-antay. Itong Prinsipe na 'to talagang ina-antay ako! May puso rin pala siya kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...