KABANATA 38

1K 46 17
                                    

[Kabanata 38 - Ang nabuong samahan sa pusod ng kagubatan]

Tatlong araw na rin ang lumipas at lahat sila ay marurunong ng gumamit ng mga dahas. Tulad ng baril, pana, at espada. Kasalukuyang naroon sila nag-eensayo at malalakas ang loob. Samantalang ako rito, nakaupo sa kalsada. Nakapangalumbaba habang hawak ang munting tirador.

Gustong-gusto ko talaga makapag-higanti pero hindi sa ganitong papaslang ako ng tao sa sarili kong mga kamay.

Nagulat naman ako nang biglang may umupo sa tabi ko. Si Jingyi. Mayroon siya ngayong hawak na pana at mga palaso na nakasabit sa kanyang likuran.

"Mabuti ka pa at may lakas ng loob pumaslang."

"Huwag kang mag-alala dahil ikaw ay aking pprotektahan."

"Hindi na kailangan... Mas intindihin mo na lamang ang iyong kaligtasan."

"Alam mo, hindi ko maunawaan ang aking sarili kung bakit gustong-gusto kita protektahan. Siguro dahil ngayon lang ako nakatagpo ng isang Binibini na tinuring akong isang kaibigan. Magmula noon, walang may nais na makipag-kaibigan saakin. Ikaw lamang. Ikaw lang ang tanging babaeng lumapit saakin at nakipag-kaibigan."

Ibinaba ko ang aking tirador at saka humarap kay Jingyi. Mayroong namumuong luha sa kanyang mga mata na animo'y marami nang napagdaanan.

Hinawakan ko naman ang kanyang kamay at saka nagsalita.

"Huwag kang mag-alala. Huwag mong pigilang tumulo ang iyong mga luha."

Yumuko naman siya at tuluyan nang tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Hindi ko man alam kung ano ang iyong pinagdadaanan, huwag kang mag-alala. Nandito ako pprotektahan ka sa kung sino man ang gustong manakit sa iyo. Papakitaan ko sila ng mga karate moves ko."

Bigla siyang napangiti at pinunasan ang kanyang luha. Tinapik ko naman ang kanyang balikat at saka nagsalita.

"Pangako. Kahit anong mangyari, ikaw ay aking pprotektahan."

"Pangako rin. Ikaw ay aking pprotektahan sa kahit na anong mangyari."

Bigla namang dumating si Ningning.

"Ning buti nandito ka na. Halika umupo ka."

Umupo naman siya at saka ako muling nagsalita.

Itinapat ko ang aking kamao at ginaya nila iyon. Nagtataka ang kanilang itsura kaya pinagdikit-dikit ko ang aming kamao saka nag-fistbump.

"Ano iyon?" tanong ni Ningning.

"Ang tawag diyan ay fistbump."

"P-Pis-Bam?" takang tanong naman ni Jingyi.

"Ang ibigsabihin ay opisyal na tayong magkakaibigan. At mula ngayon, tayong lahat ay pprotektahan ang isa't-isa. Ayos?"

"Ayos!" sabay nilang sinabi.



Kinalaunan, habang lahat ay kumakain ng meryenda. Mayroong biglang dumating. Si Valentina.

Napatigil kami sa aming pagkain dahil siya ay umiiyak kaya lumapit kami sa kanya.

"V-Valentina? Paano mo nalaman dito?" tanong ko.

Lumapit naman sa kanya si Chenchen.

"Bakit ka tumatangis?"

Bigla siyang nawalan ng balanse at mukhang nanghihina habang umiiyak pa rin. Inalalayan naman siya ni Chenchen.

"Naglayas ako saamin."

"Eh paano mo nalaman dito? Tsaka mayroon bang nang-api sa iyo?"

"Minolestiya ako ng isang biyudong Corregidor na kaibigan ni Ama at dahil doon... Nais nila akong ipakasal sa kanya," sabi niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon