[Kabanata 2 - Ang bagong pagkakakilanlan]
I woke up in a new atmosphere. I think I was kidnapped nga. I checked my whole self to see if there's wrong and I think meron nga. Bakit naiba yung suot kong baro't saya? Don't tell me...
"Don't touch me! San niyo ako dadalhin? Mga kidnappersss! Help me! Tulonggg!"
Oh my gosh! Why of all people sila pa! I can't! The nation's first love nadali lang ng unknown peeps na mga mukhang tambay!
Hindi ko na napigilan pang umiyak at magwala hanggang sa may biglang pumasok na babae na I think ka-age ko lang. Tinanong ko naman kung sino siya and malamang she's probably the assistant of those stupid rapists!
"Señorita! Huminahon po kayo. Wag na po kayong tumangis."
"Sino ka naman? Tuta ka nung dalawang manyak na kidnapper ano? Nasaan ako? Kailangan ko nang umalis dito ipapakulong ko ang dalawang 'yon!"
"Sandali lang po! Huminahon po kayo. Hindi ko po kayo maintindihan, Señorita. Ako po ang tagapag-silbi ninyo, si Ningning. Hindi niyo po ba ako naaalala?"
"Huh? What do you mean? Anong Señorita? Anong tagapag-silbi? Hahahaha prank ba 'to? May hidden camera siguro dito kaya kayo ganyan di niyo ako maloloko ano. Ako lang naman ang best actress ng Pinas kaya di niyo ako madadala sa mga actingan niyong 'yan."
"Hindi ko po maintindihan kung ano pong nangyayari sa inyo, Señorita. Lubos po akong nag-aalala sa inyong kalagayan hindi naman po kayo ganyan noon. Halos mag-iisang buwan na rin po namin kayo hinahanap lalo na po ng inyong Ama. Kaya labis po ang aming kasiyahan nang matagpuan po kayo ng dalawang guardia civil sa Pampanga at sila po ang naghatid sa inyo dito ngunit wala po kayong malay. Natutuwa po ako at bumalik na po kayo, Señorita. "
I was startled when this girl Ningning suddenly cry out of the blue. But, wait a minute. Hinatid ako ng dalawang guardia civil dito? Does it mean wala namang nangyari?
"Hala! Don't cry please. Itigil niyo na kasi tong palabas na 'to siguro kanina pa tawang-tawa yung mga staff na nagtatago dahil sa reaksyon ko sa prank nilang 'to. But can I ask, bakit naiba yung suot ko? Hindi naman ito ang suot ko kahapon."
"Pinalitan po kayo ng damit ng inyong Ina. Labis din po ang pag-aalala ng inyong ina mula nang nawala kayo. Noong dumating po kayo rito kahapon, naiyak po dahil sa tuwa ang inyong Ina dahil kayo po ay nagbalik na. Kasalanan ko po ang lahat kung bakit po humantong kayo sa kalagayang ito."
"Hahaha! Tama na Direk please parang masyadong totoo na nangyayari. Anlaki naman ng ginastos niyo para sa prank na 'to failed naman kayo. Wait, nasaan na ba phone ko? Anong oras na alam ko kasi may press-con ako ngayon."
"Ano po iyon, Señorita?"
"Yung bag ko nasaan? Nandoon kasi ang phone ko tsaka itigil mo na nga pagtawag saakin ng Señorita. Stop na sa acting okay? Selene na lang."
"Sino po si Selene? Kayo po ang aming Señorita Isabel."
"Isabel? Hahaha! You're funny. Ang bag ko nasaan? Baka ma-late na ako sa press-con."
"Ano po ang bag? Ipag-paumanhin niyo po ngunit, hindi ko po talaga kayo maintindihan."
"What? You don't know what is bag? Anong taon ka ba pinanganak para di mo alam kung ano ang bag?"
"1801 po ako pinanganak, Señorita. Ika-12 ng Marso, 1801."
"Joke time ba 'to? Hahaha! Pwes ako pinanganak ng 1750," sarcastic kong sinabi.
"Nagkakamali po kayo, Señorita. 1800 po kayo pinanganak. Setyembre 21, 1800."
"Hahaha! Jusko magkano ba binayad sa iyo para ganiyan ka kagaling sa pag-acting? For your information, November 15, 2002 ako pinanganak. 'Wag mo naman masyadong galingan sa pag-acting baka talunin mo na ako sa pagiging best actress niyan hahaha!"
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...