[Kabanata 42 - Ang pagbabago ng ihip ng hangin]
Dumikit si Marco sa tabi ko at tulad ko, nakatingin din siya kay kuya Federico na ngayon ay seryoso lamang ang kanyang mukha na nakatingin saakin.
"Kuya? Naparito ka."
Nagulat ako nang bigla niya akong sunggaban ng kutsilyo ngunit agad iyon napigilan ni Marco. Hawak niya ngayon ang kamay ni Kuya Federico.
"K-Kuya... Ano ito? Bakit mo ako nais saktan?"
"Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang ating pamilya!"
Pumiglas naman siya sa hawak ni Marco ngunit nabitiwan niya lang ang kanyang hawak na kutsilyo. Bakas sa kanyang mukha ang labis na galit at nag-aalab ang kanyang dalawang mata.
Bigla niya naman akong sinakal dahilan para masamid ako ngunit agad siyang sinuntok ni Marco. Siya ngayon ay nakahiga sa kalsada habang sinusuntok pa rin ni Marco.
"Marco! Tama na!"
Itinigil naman na niya ang pagsuntok kay Kuya Federico at ito'y kanyang kinuwelyuhan.
"Kuya mali ka ng iyong iniisip! Hindi ako ang pumaslang kay Ama!"
"Oo! Ngunit ikaw ang may dahilan bakit namatay si Clara!"
"Hindi rin ako iyon!"
"Itigil ninyo 'yan!"
Napalingon kami kung sino ang sumigaw na iyon. Si Ina!
"Ina!" sigaw ko.
Lumapit siya sa kinaroroonan namin at binitawan na ni Marco ang kwelyo ni Kuya Federico. Itinayo ni Ina si Kuya Federico at hinaplos ang kanyang mukha.
"Anak... Huwag mong sisihin ang iyong kapatid. Wala siyang kasalanan."
"Ngunit Ina, pinaslang niya si Clara kaya kailangan niyang pagbayaran iyon!"
"Anak makinig ka... Huwag mong tularan si Clara na nilamon na ng kasamaan ang kanyang isip."
"Hindi ko naman talaga siya tunay na kapatid!" sigaw niya saka tumingin ng masama saakin.
"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
Lumapit saakin si Ina at saka hinawakan ang aking kamay.
"Nasaan ang binigay kong kuwintas sa iyo?"
"N-Nasa akin pa rin po."
"Paka-ingatan mo ang kuwintas na 'yan sapagkat binigay 'yan ng iyong tunay na Ama."
"P-Po? Sino po?"
"Ang Mayor Alkalde. Si Don Manuel."
Natulala ako matapos sabihin ni Ina na ang tunay kong Ama ay si Don Manuel.
Nagulat naman ako nang biglang kinuha muli ni Kuya Federico ang kutsilyo sa sahig at saka ako sinugod.
Napapikit na lamang ako ngunit nagtaka ako bakit wala akong naramdaman.
Pagkadilat ko, nasa harapan ko si Ina at mayroong dugong tumutulo sa kalsada.
"I-Ina..."
Nawalan siya ng balanse at napahiga sa kalsada. Siya ang nasaksak ni Kuya Federico.
"Inaaa! B-Bakit ka humarang?!" hindi makapaniwalang sinabi ni Kuya saka inalalayan si Ina. Gayundin ako, agad umupo upang siya'y alalayan.
"Ina...," sambit ko habang isa-isang tumutulo ang luha sa aking pisngi.
Hinawakan naman ni Ina ang kamay namin ni Kuya Federico at pinipilit ang kanyang sarili na magsalita.
"Mga anak... M-Makinig kayo... "
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...