KABANATA 17

1.7K 91 12
                                    

[Kabanata 17 - Ang masamang anghel]

Malamig ang simoy ng hangin ngunit parang umiinit dahil sa tensyon ng tinginan nina Marco at Simoun.

Nagmistulang bato ako sa kinatatayuan ko dahil habang tumatagal, humi-higpit ang hawak nilang dalawa sa kamay ko.

"Uhmm... Pwede bang huwag niyo akong isama sa kung anong alitan ninyo? Nasasaktan ako sa hawak niyo!"

Wala naman silang narinig at patuloy pa rin sila sa kanilang titigan.

"Hoy alam niyo umamin na nga lang kayo sa isa't-isa. Ang lagkit ng tinginan ninyong dalawa. Ano kayo na-love at first sight?"

Aba at hindi pa rin sila bumibitaw. Namumutla na yung dalawang kamay ko dahil di na maka-daloy ng maayos ang dugo ko sa higpit ng hawak nila. Nagpumiglas na lang ako at sabay nilang nabitiwan ang kamay ko.

"Ano ba naman kayo! May mga kamay naman kayo gusto niyo pa atang kunin 'tong akin!"

"Paumanhin, ikaw ba ay aking nasaktan?," pag-aalalang sinabi ni Simoun.

"Ayos lang ako."

"Vamos ahora (Let's go now)," malamig na sinabi ni Marco.

"Espera, todavía estoy hablando con ellos. (Wait, I'm still talking to them). Bakit ka ba kasi nandito?"

"No quiero esperar ¡Vamos ahora! (I don't want to wait. Let's leave now!)"

"Edi umalis ka na. Bakit kailangang kasama pa ako?"

Tumalikod na lang ako sa kanya at saka hinarap sila Jingyi.

"Pasensya na sa inyo ah naabala ko pa kayong pumunta rito. Maraming salamat ulit sa inyo. Gusto niyo bang pumun---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong binuhat ni Marco ng pa-bridal style.

"Hoy! Ano ba! Sira ka ba ibaba mo ako!"

"Dije que nos vayamos ahora. (I said let's leave now)."

Tumalikod na siya at saka naglakad paalis habang buhat ako. Napatakip ako ng mukha dahil sa hiya. Para kasing ewan! Nakakahiya tuloy kila Jingyi sa ginawa ng lalaking 'to! Pati mga tao sa paligid pinag-titinginan kami! Arrghh! Nakakahiya!

"Hoy ibaba mo ako sabi!"

"No te muevas (Don't move)."

"Sira ka ba? Nagtitinginan na mga tao!"

"No me importa (I don't care)."

Lalo ko naman tinago ang sarili ko dahil lahat ng tao nakatingin na saamin. Hindi pa naman uso sa panahon na ito yung ganito kadikit sa isa't-isa lalo na kung hindi mo naman ito kabiyak.

Ilang sandali pa, inupo niya ako sa isang karwahe at tinanggal ko na ang kamay kong pinangharang sa mukha ko. Umupo na rin naman siya sa tabi ko at saka umandar ang karwahe.

"Siraulo ka ba? Bakit mo ako binuhat? Nakakahiya tuloy sa mga tao lalo kina Jingyi!"

"Bakit sa kanila ka mas nahihiya at hindi saakin?"

"Bakit naman ako mahihiya sa 'yo eh kaaway nga kita."

"Kaaway? Sino ang lalaking humawak sa iyo kanina?"

"Sino pa ba, edi ikaw! Ikaw lang naman 'tong manyak."

"Huwag ka nang lalapit pa sa kahit sinong lalaki at saakin mo lamang ibigay ang iyong atensyon."

"Huh? Bakit naman? Ano ka sinuswerte? Che! Manigas ka!"

Nagulat naman ako nang bigla niyang hinila ang tagiliran ko sabay inilapit sa kanya. My gosh! Parang ewan naman 'to. Bakit ganyan siya makatingin saakin?

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon