KABANATA 12

2.2K 98 2
                                    

[Kabanata 12 - Ang babae sa likod ng Simbahan]

Sumikat ang araw at nagising ako dahil may naririnig akong ingay sa di kalayuan. Ginising ko si Marco at nakita naming mayroong mga tao na bumababa mula sa isang mahabang bangka.

Tumayo ako at pinagmasdan kung sino ang mga iyon at laking tuwa ko dahil nakita ko si Ningning kasama sina Samuel at Felipe. Dali-dali ko naman hinila si Marco na mukhang inaantok pa papunta sa kinaroroonan nila.

"Isabel!" sigaw ni Ningning.

Agad kaming nagyakapan dalawa at sinuri siya na mukhang ligtas naman at hindi nasaktan.

"Ayos ka lang ba Isabel? Ano itong nasa leeg mo? Tsaka bakit punit ang iyong saya?"

"Wala lang 'to nadaplisan lang ng espada tsaka malayo naman ito sa bituka."

Umiyak si Ningning at niyakap akong muli. Si Felipe naman ay lumapit kay Marco at saka siya kinausap.

"Saludos, su Alteza. ¿Estás bien? ¿Esta chica te hizo algo malo? (Greetings, your Highness. Are you alright? Did this girl do something bad to you?)"

Napalingon ako kay Felipe at saka nag-pameywang.

"Hoy ano bang pinagsasabi mo diyan? At bakit mo naman natanong 'yan?"

"Porque conozco tus planes. Puedas hacerle algo malo al Principe. (Because I know your schemes. You may do something bad to the Prince)."

"Bangag ka ba ha? Eh kung diyan ka sa Prinsipe mo magtanong ha! Siya nga 'tong nangangantsing diyan."

"¿Podrían ustedes dos detenerse? Deja de discutir. Este no es el momento para eso. (Could you two please stop? Stop arguing. This isn't the time for that)," reklamo ni Marco.

"Por cierto, ¿Cómo sabías que estamos aquí? (By the way, How did you know
we're here?)."

Lumapit si Samuel saamin at saka nagsalita.

"Notamos algunas flechas flotando en el río mientras los buscamos a los dos. Por eso pensamos que saltaste al acantilado y viniste aquí. Lo siento si llegamos tarde, su Alteza. (We noticed some arrows floating on the river while we are searching for you two. That's why we thought you jumped on the cliff and came here. I'm sorry if we're late, Your highness)."

"Sabías quiénes son esas personas que intentaron matarnos? No parecen rebeldes. (Did you know who are those people who tried to kill us? They don't look like rebels)."

"Todavía estamos investigando sobre lo sucedido. por ahora, creo que deberíamos volver primero para asegurarnos de que ahora esté a salvo. (We're still investigating about happened. For now, I think we should go back first to make sure you are now safe.)"

Nagtataka rin ako dahil sa nangyaring paglusob saamin doon at tsaka bakit kaming dalawa ng Prinsipe ang tinutugis nila? Ano ang nagawa ko sa kanila at ano ba ang kasalanan namin para patayin kami ng ganun-ganun na lang?

"Mabuti kung bumalik na nga tayo Samuel. Palagay ko'y nag-aalala na ang aking Ina," sabi ko.

Sumakay kami ng bangka at nakita ko si Marco na pasulyap-sulyap saakin. Inirapan ko na lang siya dahil hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niyang kapusukan saakin.

Pagkarating sa pampang, may nakita kaming mga taong nag-aabang na mukhang nag-aalala rin sa sinapit namin. Mayroon ding mga guardia civil upang siguraduhin ang kaligtasan namin.

Sumakay na kami ni Isabel sa isang karwahe patungong Maynila dahil alam kong nag-aalala na si Ina. Kasama namin si Samuel upang siguraduhing ligtas ang paglalakbay namin.

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon